09

5.6K 144 1
                                    

"Linisin mo yung pool sa baba netong condo"sabi ni sir bullet, kinuha nya ang towel nya at mga beer, nilagay nya iyon sa basket at pinabuhat sa akin.

"Trabaho ko pa po ba na linisin ang pool dito?"tanong ko at napatingin sya sa akin ng masama.

"Bakit may reklamo ka?"

"W-wala"sabi ko at napabuntong hininga sya.

Sinusundan ko si sir bullet papunta sa pool, nilapag ko ang basket at kinuha sa taga linis ng pool ang pool skimmer.

"Ako na po dyan ma'am"sabi nung mag lilinis nang ilayo ko sa kanya ang skimmer.

"Ate ako na po muna, inutos po kase ng boss ko e"sabi ko.

"Lea! Faster! Gusto ko na mag swimming"sigaw ni sir bullet kaya agad na akong tumakbo.

"Edi mag swimming ka"bulong ko habang papunta sa kanya, napabuntong hininga ako at sinambot ko ang mga dumi na nasa pool, nahihirapan ako dahil mabigat ito pero kakayanin ko para mapakita kay sir bullet na nagkamali sya ng chinallenge.

"Ang tagal mo naman, parang pagod ka na agad sa unang utos ko ah"sabi nya at humarap ako sa kanya nang may pekeng ngiti.

"Hindi ako napapagod sir, sadyang marami lang talagang kalat yung pool"sabi ko,

"Plastic"bulong nya kaya napatingin ako sa kanya nang nakaismid,

"Sama ng ugali"bulong ko.

Pagtapos kong mag linis ay pinunasan ko na ang pawis ko gamit ang palad ko at napatingin sa kanya.

"Oh sir? Okay ka na?"tanong ko, nag hubad sya ng sando nya at napatingin sa akin, napanganga ako at tumingin sa mukha nya na ngayo'y nakasimangot.

"Close your mouth"masungit nyang sabi bago tumalon sa pool, wala namang abs ah, napahanga lang ako sa body nya dahil kahit payat ay may dating pa rin.

Nakatayo lang ako at pinapanood syang mag swimming, infairness naman dito kahit ganito ganito lang sya ay magaling lumangoy.

"Hi bullet, can i invite you in my condo?"tanong ng mga naka two piece na babae, napabuntong hininga sya sabay tingin sa akin. Naka krus lang naman ang braso ko at wala naman akong pake sa kung ano man ang gawin nila sa condo ng babae.

"Sorry, I'm not interested"sabi nito sabay tingin sa akin,

"Bakit po sir? May iuutos ka po ba kaya ka po tingin ng tingin sa akin?"tanong ko at umahon sya sabay lapit sa akin.

"Nag crave ako sa blue berry shake, bilhan mo ako"sabi nya at napakunot ang noo ko. "Pag bumalik ka ng walang dalang blueberry? Tanggal ka na sa trabaho plus ipapakulong pa kita dahil sa utang mo na 500k"

"Saan po ba makakabili no'n sir?" tanong ko.

"Aba bahala ka, ikaw ang mag isip kung saan ka makakabili no'n"sabi nya sabay talon na ulit sa phone, napabuntong hininga ako at napahilot sa noo ko.

"Uh manong? Saan po ba makakabili ng blue berry shake?"tanong ko sa konduktor ng jeep,

"Blueberry shake? Parang wala naman no'n dito"sagot nito at napabuntong hininga ako,

"Sige po manong,"sabi ko at naghanap hanap sa kung saang sulok ng palengke dito sa maynila, kahit blueberry na prutas ay wala kaya mukhang nawawalan na ako ng pag asa pero laban lang lea, para hindi ka nya matanggal.

Kung saan saan ako nagtanong pero walang nakasagot kung may alam ba sila na bilihan dahil parang impossible naman daw na magkaroon no'n sa manila, blueberry shake, masyado lang talaga akong pinapahirapan ni sir bullet kaya nang-gigitil na ako sa kanya, hindi na kaya ng anger issue ko kaya unti na lang ay papatulan ko na sya.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now