25

4.1K 97 4
                                    

"Sorry po mga sir, hindi ko naman po alam na may allergy po pala si sir bullet sa hipon"sabi ko.


"No it's fine, hindi mo naman sinasadya at ang sinabi kase namin ay yung specialty mo kaya ayan pero hindi mo naman ata sinasadya na maging sinigang na hipon ang mailuto mo which is may allergy si bullet"sabi ni sir ashton at tumango akong napabuntong hininga.



"Opo, at kung gusto ko man pong patayin iyan si sir bullet edi matagal ko ng ginawa, wala po talaga akong intention na magluto ng pagkain na may allergy si sir bullet, hindi ko naman po alam kase na may allergy sya dyan"sabi ko.



"Alam naman namin iyon na never mong magagawa kay bullet iyon even he is mean to you"sabi ni sir severino.

"Gusto mo hatid na kita sa bahay mo? Tara, pahinga ka na"sabi ni sir grant at tumango akong nakangiti.

Nang nandito na ako sa bahay ko ay napahinga pa akong sinearch ang instagram ni sir bullet para imessege sya.


BulletBuenaflor

-sorry po sir

Nakatulala akong nakatingin sa chat ko sa kanya nang burahin ko dahil tingin ko ay hindi pa sapat iyon, natatakot ako na baka mamaya ay tanggalin ako ni sir bullet sa kapalpakan kong ito.


"Ano kayang magandang pang apologize"bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa account ni sir bullet. Nakakagulat naman 'to, verified tapos ang cold mag post sa instagram, anim lang ang post.

"Uh wait"sabi ko sabay open ulit ng chat.

BulletBuenaflor

-Hi po sir, si azalea po ito. Gusto ko lang pong sabihin na sorry po sa ginawa ko kanina na nag luto po ako ng sinigang na hipon which is dish po na may allergy ka. Sorry po at hindi ko po talaga alam na may allergy ka po doon, sorry po sir dahil kung gusto man po kitang patayin ay siguradong matagal ko ng ginawa, never ko pong magagawa iyon sir kahit maldito ka po sa akin. Sorry:(



Napahinga ako at nakatitig lang sa phone ko hanggang sa naseen na nya, napangiti ako at nawala iyon nang makita kong iblock nya ako.


"Bwisit, hindi talaga 'to natanggap ng sorry 'tong impakto na ito e, edi wag!"sigaw ko sa phone ko habang nakasimangot nang biglang pumasok si mama sa loob ng kwarto ko.


"Sinong sinisigawan mo dyan anak? Ayos ka lang ba?"tanong ni mama at napabuntong hininga ako.



"Opo mama, nakagawa kase ako ng kasalanan kay sir bullet, may allergy pala sya sa hipon tapos nag luto ako ng hipon. Hindi ko naman po sinasadya na makapag luto ng pagkain na may allergy si sir bullet kaso nagalit sa akin"sabi ko at napahinga si mama.


"Alam mo anak na kailangan nyong pag usapan iyang dalawa, mukhang parang aso at pusa kayo lagi ah, kwento ni maxine kase na parang hindi kayo magkasundo sa iisang bagay"sabi ni mama.


"Sinusundan ko naman ang vibes nyan ni sir bullet kaso ito naman syang may toyo, lahat nalang sa kanya big deal, kainis"sabi ko.



Bullet POV

Masama ang loob ko dahil sa gusto ko ng kumain pero ang niluto nya ay ang pagkain na may allergy ako.


"Bullet, wala na si azalea, let's all talk about what happen"natigil ako sa pag babasa ng book about law nang marinig ko ang pagkatok ni ashton sa pintuan ko.

"Ano pa ba ang pag uusapan, malinaw naman na sinasadya nya"sabi ko.

"Let's all make things clear, tara na"sabi ni severino at napairap ako at buntong hininga.

The Beauty And The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon