37

3.1K 71 0
                                    

Pag dating ko dito sa bahay ay umupo ako sa may sofa at kinuha ang picture frame sa bag ko, papaayos ko 'to bukas para kay sir ashton at para makabawi ako sa kasalanan nya.

"Oh anak"nang marinig ko ang tawag ni mama ay dali dali kong inilagay ang frame sa bag ko at nakangiting tumingin kay mama.

"Ma!"yumakap ako sa kanya at hinimas himas nya ang buhok ko,

"Ayos ka lang ba anak? May problema ba?"tanong ni mama at humarap ako sa kanya nang nakangiti.

"Heto ma, nakagawa na naman ng kapalpakan, nabasag ko yung picture frame ni sir ashton na napakahalaga sa kanya"sabi ko at sabay kaming umupo ni mama, "Napaka importante kay sir ashton nitong family picture dahil eto ang tinitingnan nya pag namimiss nya ang pamilya nya tapos binasag ko lang"

"Ipaayos na lang kaya natin kay manong jose, dyan lang, nag aayos sya ng mga basag na bagay"sabi ni mama sabay hawak sa pisngi ko, "Para naman magkaayos na rin kayo ni ashton, para matuwa rin sya at mapatunayan mong hindi mo sinasadya ang nangyari, huwag ka na kaseng humawak anak ng gamit ng iba para hindi mo mabasag" sabi ni mama at tumango ako habang nakatingin sa frame.

Kinabukasan ay doon agad ako dumiretso sa sinasabi ni mama, pag punta ko doon ay pinaayos ko na ang frame,

"Ilang oras po ang aabutin nyan para makumpuni po?"tanong ko sa manggagawa,

"Saglit lang ito hija, kayang kaya mo itong hintayin"sabi ng manggagawa at nakangiti akong tumango, hinintay ko iyon at pinapanood habang ginagawa. Hindi ako mapakali dahil nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko, inaalala ang nararamdaman ni sir ashton sa ginawa kong pag sira ng mahalagang bagay para sa kanya.

"Oh heto"natuwa naman ako nang maayos iyon, binayaran ko na ang mangagawa at tumakbo na dahil malate na ako sa trabaho ko sa apat, sumakay ako ng jeep habang yapos ang bag na may lamang picture frame at pagbaba ko ay may ngiti akong inilabas habang nasa harap ng building nila.

"Nawawala yung tinapon kong picture frame"rinig kong sabi ni sir ashton habang papasok ako sa condo nila.

"Chill bro, baka naman nandyan lang iyan, check your trash can in your room"sabi ni sir severino at pagpasok ko ay napatingin silang apat sa akin.

"Or ask azalea kung saan nya inilagay" sabi ni sir bullet habang nakatingin sa akin at nag titimpla ng kape nya.

"Alam mo ba kung nasaan ang picture frame na itinapon ko kahapon sa trash can?"tanong ni sir ashton at tumango akong nakangiti, dahan dahan kong kinuha ang frame sa bag ko at lumapit sa kanya, dahan dahan ko iyong iniabot sa kanya at kumunot ang noo nya.

"Kinuha ko po kahapon sa trash can para subukang ipagawa po"sabi ko at kinuha nya iyon habang ang tatlo ay nakakunot ang noo, "Sorry po ulit sir ashton sa ginawa ko, literal na hindi na po iyon mauulit, masyado lang po akong naging pakealamera"

"Napagawa nya iyan?"tanong ni sir severino pero walang sumagot sa kanya, tahimik ang paligid, nakatitig ako kay sir ashton habang sya ay nakatitig sa picture frame.

"I can't believe that this thing can be fix"sabi nya habang unti unting natulo ang luha, "Napaka importante talaga nito para sa akin kaya nung nabasag ito ay parang gumuho na ang mundo ko," sabi nya sabay tingin sa akin, "Hindi ko akalain na maayos mo ito"sabi nya sabay yakap sa akin kaya nambilog ang mata ko, gulat na gulat ako maging ang tatlo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa biglaan nyang pag yakap sa akin, parang nawalan ako ng lakas sa pag yakap nya.

Gulat ang tatlo at napatayo pa si sir severino na parang gustong pigilan si sir ashton sa pagyakap sa akin, napapikit ako at napangiti. Akala ko ay magagalit sya sa akin pero hindi pala, naappreciate nya ang ginawa kong napakasimple.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now