74

1.1K 20 0
                                    

Pagdating namin sa destination ay sinamahan namin ang kumare ng amo ko na mag ikot ikot sa mall.

"Matagal pa ata sya mag ikot ikot dito, baka mapagod ka, magpahinga ka na kaya muna sa may restuarant, kain ka na muna doon"sabi nya.

"Ayos nga lang po ako sir, masama lang po ang pakiramdam ko pero hindi po ibig sabihin no'n ay hindi na ako makakalakad ng kahabaan"sabi ko, "huwag ka na pong mag alala at ayos lang po ako"

"Sure? Nag aalala ako sayo at baka mamaya ay bigla ka na lang mahilo sa pagod"sabi nya,

"Hindi po sir severino, kaya ko po" sabi ko at napabuntong hininga sya,

"Kung ayun edi okay basta kung pagod ka na o ngalay, pwede kitang isakay sa likod ko"sabi nya at natawa ako,

"Ano ako sir baby para isakay sa likod mo?"tawa kong tanong.

"Oo, baby ko"

Natigilan ako at napangiwi,

"Nako po sir hindi mo po ako madadala sa ganyan mo, marami ka na pong nasabihan nyan"sabi ko at natawa sya.

"Honestly i don't wanna lie and aaminin ko oo, marami na pero pag sinasabi ko sayo iyon? It hits different" sabi nya.

"Sir tigil tigilan mo ako, nasa trabaho tayo wala po tayo sa landian"sabi nya at natawa sya.

"Cutie naman magsungit ng princess ko"sabi nya at nag make face ako,

"Sir azalea po name ko"dagdag ko at natawa sya sabay pisil sa pisngi ko kaya namilog ang mata ko,

"Aba, ayaw pa tumigil,"sabi ko, "sakit ng kurot mo sir severino, pag ako nangurot sayo? Gagamit ako ng plais"

"Oy you're so mean to me"sabi nya.

"Sir ang laki na ng kamay mo tapos ang tigas at ang sakit pa po ng pag kurot mo po sa akin"sabi nya at hinimas nya ang parte ng pisngi ko kung saan nya ako kinurot.

"Sorry"sabi nya na parang nakokonsensya, "napalakas dahil sa sobra akong nang-gitil sayo"

Maya maya pa ay sinabi na ng kumare ng boss ko na picturan sya kaya tinuturuan ko si sir severino ng magandang angulo ng camera,

"1 2 3"pagpindot nya sa camera sabay lapit sa akin para ipakita kung ayos,

"Aba ayos sir uh, ang galing"sabi ko at nag high five kami,

"Ikaw ba naman ang tutor ko malamang maganda ang kuha"sabi nya at tinaasan ko sya ng kilay habang nakangiti.

"Faster guys, ayoko ng mabagal at wala dapat harutan ngayong sa akin kayo nag tatrabaho"sabi ng kumare ng boss ko at nang makalingon ito ay nagtinginan kami ni sir severino sabay tawa na hindi rinig ng boss namin.

Sinundan lang namin sya sa kung saan nya gusto magpunta at pinipicturan namin sya ni sir severino, si sir severino ang taga picture at ako naman  ang taga turo kung paanong angulo ang gagawin nya.

"Ang ganda!"sabi ko at nag high five ulit kami, nakita naman namin ang kumare ng boss ko na napairap kaya kumunot ang noo naming dalawa ni sir severino kung ano ang nangyari doon.

Maya maya pa habang naglalakad na kami papunta sa may parking lot ay humarap sa amin ang kumare ng boss ko.

"I like how you act earlier guys, you're so sweet kaya napapairap ako is because naiinggit ako sa napaka healthy ng relationship nyo"sabi nito at napaawang ang labi namin ni sir severino, gulat sa sinabi ng kumare ng amo ko.

"Hindi po kami magkarelasyon, actually nililigawan ko pa lang po sya"si sir severino ang sumagot at napangiti ako sa kanya,

"Oh bakit ayaw ka pa nyang sagutin? You look matured and successful na kaya bakit ayaw mo pa syang sagutin?"tanong nito sa amin at napahinga ako bago sumagot nang si sir severino na ang sumagot.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now