46

2.3K 49 0
                                    

Nasa loob na kami ng sasakyan ni sir ashton, nakatitig lang sya sa kamao nya habang ako ay nakatitig sa kanya.

"Sorry po sir ashton dahil ako po ang sumula ng away"sabi ko at napatingin sya sa akin, napabuntong hininga sya at napasandal sa upuan.

"Sorry dahil sa asta ng ate ko sayo, napapahiya tuloy ako sayo"sabi nya at napakunot ang noo ko.

"Anong napapahiya sir? Pinagsasabi mo? Alam mo? ayos lang lahat sa akin and ayos naman sa akin ang ate mo, huwag ka ng mag sorry dyan"sabi ko at nakita kong tumulo ang luha galing sa mga mata nya.

"Ang hirap pag may ate kang grabe magsalita, ang ateng napakasakit magsalita. Alam mo? Simula pa lang ng bata ako ay iyan na ang kinakaharap ko, paulit ulit kong tinitiis lahat ng ibinabato nyang salita sa akin pero ito sobra na, pati ba naman sayo grabe sya magsalita porket narerelate ka sa akin, ganyan sya"sabi nya sabay tingin sa akin, "ang hirap ng ganitong sitwasyon azalea, pagod na ako pero sabi mo nga G na G dapat akes"sabi nya at napangiti ako.

"Tama sir, G ka lang dapat ng G, walang susuko"sabi ko at napangiti sya.

Bumili na lang kami sa iba ng damit at sinuot na rin namin ito kaagad sa may store, binilhan ako ni sir ng grey pants at ng white shirt, pagtapos no'n ay inaya nya ako sa isang restaurant.

Doon nya nilabas lahat ng sama ng loob nya sa ate nya habang ako ay nakikinig, naawa sa kanya dahil ang bigat bigat ng pinagdadaanan nya. Napagtanto ko na mild lang pala ang pinagdadaanan ko at mas mabigat pa ang kanila dahil ang pamilya nila mismo ang naghihila sa kanila pababa, hindi katulad ko na kahit waley o bokya minsan sa life ay patuloy pa rin akong sinusuportahan ng pamilya ko.

"Sir ashton, alam kong malalampasan mo rin iyan. Huwag ka pong mag alala"sabi kong nakahawak sa balikat nya at napangiti sya.

Kinabukasan naman, wala ako mopd bumangon pero pinilit ko ang sarili ko at napahawak na lang sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. Iminulat ko ang mata ko at nabalik sa katinuan nang makita ang apat na nakatayo sa harapan ko.

"Mga sir?"tanong ko sabay kuha ng kumot ko at lagay nito sa may hita ko. "Anong ginagawa nyo po dito? Diba po restday ko ngayon? Aray"napahawak ulit ako sa ulo ko at naduduling ang paningin ko, ewan ko ba kung bakit at first time ko itong gumising ng masakit ang ulo.

"Anong ginagawa nyo po dito mga sir?" Tanong ko.

"We are here to take care of you"sabi ni sir bullet sa malamig nyang boses.

"Anong take care of you? Hindi ko po kailangan ng may mag aalaga sa akin mga sir, rest day ngayon kaya magpahinga kayo"sabi ko.

"May lagnat ka, nakalagay dito sa thermometers ko na ang temperatura ng katawan mo ay 39 degrees. Ang taas"sabi ni sir severino at hinipo ko ang sarili ko.

Ang init ko nga

"So ano naman pong meron kung may lagnat ako? Business nyo rin pa ba iyon?"tanong ko na nakasalubong ang kilay.

"Yes, actually it's my business lang dahil naulanan ka nang dahil sa akin" singit ni sir ashton at napakamot ako sa ulo ko.

"Ako po ang sumugod okay? Hindi nyo na po business na puntahan ako dito at alagaan, kaya ko naman po. Pwede na po kayong umuwi"sabi ko.

"Sayang naman ang punta nila dito at may mga dala pa nga sila dyan na pagkain para sayo tapos pauuwiin mo lang"sabi ni mama at napabuntong hininga ako, ang sakit na nga ng ulo ko dumagdag pa 'tong mga 'to.

"Sino ba kase nagpapunta sa inyo dito mga sir? Dapat nagpapahinga na kayo at ganoon rin po ako. Kailangan ko ng pahinga dahil may sakit po ako"sabi ko. "Sino ba kase nagpapunta sa inyo dito at nagsabing may sakit ako?"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now