39

2.9K 78 2
                                    

Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko na ang apat, naka blue na suit si sir grant, naka black si sir ashton, naka white si sir bullet at naka neutral suit si sir severino. Nag uusap sila nang lumapit sa kanila nang matigil sila, tiningnan ako ng up and down at napaawang ang labi.

"Uy mga sir!"pag tawag ko sa kanila kaya nabalik sila sa katinuan, "Tara na po ba mga sir? Sorry po mga sir dahil ang tagal ko sa loob"

"No it's fine, late ka na rin nag paayos kaya rin natagalan, okay lang naman at wala pa namang time ng punta natin doon"sabi ni sir ashton.

"Let's go na, doon na daw tayo mag antay ng turn natin sa hotel"sabi ni sir bullet habang nakatingin sa phone nya.

"Well tara na"aya ni sir grant, inalalayan ako ni sir ashton sa paglalakad at pumunta na ang mga staff nila sa amin.

Inalalayan na kami ng mga staff nila papunta sa van at humaharang naman ang mga guard nila sa mga media na sinusubukan silang kuhanan ng larawan.

"Girls, chill! Abangan nyo na lang kami sa TV, makikita nyo rin ang kapogian namin"biro ni sir severino kaya pabiro syang sinikmura ni sir grant.

"Ang sosyal na nating tingnan severino tapos nagbibiro ka pa dyan ng mga nonsense"sabi ni sir bullet at hinawakan nya ang kamay ko, "Una na tayo sa van para hindi ka na maipit pa ng mga paparazzi"sabi nya at pumasok na kami sa may van habang sina sir ashton, sir severino at sir grant ay nakikipag buno pa sa dami ng tao.

"Nako haggard na tayo pag punta doon" sabi ni sir severino pag pasok nya sa van,

"Puntahan ko po kaya si sir ashton, mga sir, kawawa naman oh"sabi ko at dalawa silang tumingin sa akin.

"Ako na lang, puntahan ko sila"sabi ni sir bullet sabay labas na ng van, napangiti naman ako dahil nag coconcern sya sa kaibigan nya, i love their friendship talaga.

Nang maipatabi ni sir bullet ang mga tao ay agad ng tumakbo sina sir grant at sir ashton papunta dito sa van kasunod si sir bullet.

Bumyahe na kami, busy silang tatlo dahil maraming nag cha- chat sa kanila samantalang ako ay busy sa pag pipicture at pag popost sa may facebook ko.

Nag popose pa ako ng mga pabebe pose tapos may pa- wacky wacky pa. Busy naman sila kaya wala akong pakealam kung makita nila akong parang jejemon.

Maya maya pa ay bumaba na kami, naunang lumabas ang tatlo dahil wala naman silang partner at sumunod naman kami ni sir ashton sa pagbaba,

"Can i hold your hands?"tanong nya na parang nag aalinlangan na maging uncomfy ako pag hinawakan nya ang kamay ko.

"Oo naman po"sabi ko at hinawakan nya ang kamay ko, pagharap ko sa mga tao ay naduling ako sa daming flash ng mga camera, sanay ang apat sa ganito dahil nagpopose sila na parang wala lang sa kanila ang flash ng mga camera, nakasukbit ang braso ko kay sir ashton, lumapit sya sa may tenga ko para may ibulong.


"Pose something classic and unique" sabi nya at napalunok ako dahil sa pagbulong nya ay nakaramdam ako ng kiliti na ikinangiti ko, napakalalim ng boses nya na kahit sino ay mapapasabi ng daddy.



Pumose lang ako at iniiwasan ko na muna ang jejemon pose dahil nakakahiya kung sa harap ako ng mga tao magmumukhang tanga.

Pumasok na kami sa loob at nambilog ang mata ko, iniwasan ko rin ang maging mukhang ignorante dahil lahat ng tao dito ay sosyalin kaya maging sosyal muna ako for a minute, naglalakad lang kami ni sir ashton at si sir grant, sir severino at sir ashton ay panay pakikipag shake hands sa mga bumabati sa kanila samantalang si sir bullet naman ay nanatiling nasa likod ng suit nya ang kamay nya at tinatanguan lang ang lahat ng taong bumabati sa kanya,

The Beauty And The BoysOnde histórias criam vida. Descubra agora