82

1.1K 25 0
                                    

Pag ayos ko na ng sarili ko kinabukasan ay saktong paglabas ko nakita ko na si sir bullet na naka-pants at compression shirt, kumunot ang noo kong lumapit sa kanya at inabutan nya ako ng dala nyang bulaklak.

"Uh sir, bakit ka po nandito? Papunta naman na po ako sa condo nyo po"sabi ko sabay tingin sa relo ko, "hindi naman pa po ako late"

"Uh hindi iyon, papasama sana ako sa taping ko ngayon"sabi ni sir bullet at kumunot ang noo ko.

"Taping? Artista ka ba sir para magkaroon po ng taping?"tanong ko at napabuntong hininga sya,

"Kinuha kase ako ng isang management para sa isang commercial na ibibilboard, pwede bang isama kita? Para naman ganahan ako sa paggawa ng commercial dahil may inspirasyon ako sa tabi ko"sabi ni sir bullet at tinuro ko ang sarili ko,

"Ako sir? Gagawin mo pong inspirasyon?"tanong ko at napalunok syang bumuntong hininga sabay tango nang dahan dahan,

"Oo naman, alam mo ba na matagal na kitang inspirasyon? Ikaw yung nagpapalakas ng loob ko sa bagay na hindi ko kayang gawin katulad nito kaya nagpaalam ako sa apat na magpapasama ako sayo"sabi ni sir bullet, "baka kase hindi ko kayanin 'tong commercial na gagawin dahil sa hindi ako sanay sa camera o tinututukan ng camera. Kung nasa tabi kita mas gaganahan ako at magkakaroon ako ng confident dahil sayo"

"P-paano-----

"Please? Kailangan kita azalea"sabi ni sir bullet at napalunok akong tumango.

"Okay po sir bullet basta nagpaalam ka po sa apat huh kase baka kailangan rin ako ng apat tapos sayo lang po ako sumama, ayoko naman pong sabihan ako ng bias"sabi kong nakanguso.

"Syempre hindi naman kita aayain na sa akin sumama kung hindi ako nakapag paalam sa kanila, syempre kailangan ko ring pakinggan side nila kung okay ba na sumama ka sa akin ngayong araw"sabi ni sir bullet,

"Iyan po ang gusto ko sayo sir bullet e, marunong magpaalam"sabi ko, "akala ko kase gumana na naman po ang pagiging ma-pride mo po na hindi po nagpaalam sa apat kaya nag aalinlangan po akong sumama sayo"

"Bakit lagi kang nagcare sa tatlo? Nag care ka sa magiging reaksyon nila"tanong ni sir bullet habang nag start na syang mag drive,

"Ayoko lang po kaseng may unfairness silang maramdaman, baka kase isipin po ng apat na iyon ay bias ako at sayo lang po ako nasama nang hindi sila tinatanong"sabi ko,

"Kung hindi kita kailangan sa commercial ko o hindi ko kailangan ng inspirasyon? Hindi naman kita isasama doon e"sabi ni sir bullet sabay tingin sa akin na may malambot na pagtingin, "kailangan ko kase ng taong magpapagaan ng loob ko at magche- cheer sa akin kaya sinama kita"

"Marami ka po talagang fans sir at mas mabuti pong sila ang gawin mo pong taga cheer sayo at inspirasyon kase kung wala po sila? Wala ka po ngayon sa kinaroroonan mo po at wala ka pong kasikatan ngayon"sabi ko.

"Exception na sila. Ikaw ang gusto kong maging inspirasyon kase kung wala ka? Wala sana akong confidence ngayon na humarap sa maraming tao, hindi ako sana ngayon marunong maki vibes sa lahat ng nangyayari sa paligid ko kung wala ka, kung wala ka? Hindi naman ako magiging ganito kadali ng kasama e"sabi nya.

"Choice mo naman po iyon sir bullet kung nagbago ka kaya ikaw po ang dahilan kung bakit ka ganyan ngayon dahil pinili mo po iyan"sabi ko.

"Pinili ko 'to nang dahil sa iyo, kahit anong sabihin mo pa ikaw ang dahilan ko sa ganito kong pag uugali"sabi nya sabay hawak ng kamay ko, "ikaw nag laging dahilan sa mga gawain kong mabubuti, nakikita ko kase iyon sayo na "kailangan pala ganito ang gawin" namotivate ako kaya heto, ganito ako ngayon"sabi nya at natigilan akong napangiti.

The Beauty And The BoysOnde as histórias ganham vida. Descobre agora