17

5.4K 131 3
                                    

Napalunok ako at hindi malaman kung kanino ako mag papaalay. Hindi ko alam pero ngayon ko lang talaga nakita ito o naranasan sa kanila na aalalayan nila ako sa pagbaba.

Kaya ko namang bumaba kaya wala na akong tinanggap sa kanila na alalayan ako.

"Uh mga sir? Pabuksan po ng compartment po nitong van, kukunin ko po ang mga maleta nyo po"sabi ko at nabalik sila sa katinuan.

"Ako na lea"sabi ni sir ashton.

"No, ako na"sabi naman ni sir bullet,

"No way bro, mas malaki ang biceps ko sa inyo kaya paniguradong mas malakas ako sa inyo kaya ako na"sabi ni sir severino.

"Ako na mga tol, baka mahirapan pa kayo"sabi ni sir grant at tumingin sila sa aking apat nang sabay sabay.

"Hep! Mga sir? Apat po talaga yung maleta doon kaya tig iisa na lang po kayo ng bitbitin para hindi na po kayo mag away"sabi kong nakangiti sabay kuha ng bag ko at una na sa kanila.

Ayokong maging sentro pa ng away nila ang magbubuhat ng mga maleta nila kaya sinabi ko na sa kanila na tig iisa sila, ang weird talaga ng mga galawan ng mga iyon, ngayon ko lang talaga nakita sa kanila na ganoon sila ka-demanding na kumilos at magbuhat ng bagay na ako ang pinagbubuhat nila. Himala naman kay sir bullet na nang aangkin na sya ng gawain.

"May girls sa baba severino, bakit di mo pinansin? Ikaw na ang nilapitan ah"rinig kong sabi ni sir grant kay sir severino nang makapasok na sila sa condo.

"Hindi na ako interisado sa ibang babae dahil stick to the one na lang ako ngayon,"sabi ni sir severino sabay titig sa akin, kumunot ang noo ko dahil ang weird nya talaga pati ang tatlo. Hindi ko maintindihan ang galawan nilang apat ngayong araw.

Pagod na pagod sila ngayon, nakaupo sa may sofa si sir severino, nanonood naman ng netflix si sir grant, si sir ashton naman ay may kausap sa phone nya at si sir bullet naman ay may binabasang libro.

"Paano kung hindi pala tayo pinaniwalaan ng mga tao sa dahilan natin sa kanila?"random na tanong bigla ni sir severino sabay lingon sa tatlo kaya napabuntong hininga ang tatlo.

"Nawala na nga sa isip ko iyan tol, pinaalala mo pa"sabi ni sir grant.

"I dont want to know if they believe us or not, dahil baka mamaya ay madagdagan lang ang kahihiyan ko sa buhay"sabi ni sir ashton.

"Tape your mouth seve, i dont want to stress myself on that fucking issue"sabi naman ni sir bullet.

"Come on guys, be true to yourself and let's accept the fact na may issue tayo, huwag kayong patay malisya dyan guys"sabi ni sir severino.

"Tanggap naman namin na may issue tayo, huwag mo lang ipagdiinan dahil iniistress mo lang ang sarili mo dyan, we can fix this okay? Huwag kayong negatibo masyado"sabi ni sir ashton.

"Alam nyo mga sir? Kaya nyo iyan i-fix ngayong may dahilan kayo, ang dapat lang ninyong gawin ay panindigan ang dahilan ninyong sinabi sa mga tao"sabi kong nakangiti at napatingin sa akin si sir bullet na magkasalubong ang kilay.

"So you mean na everytime na nasa bar kami ay sasayaw kami?"tanong nyang walang reaksyon.

"Exactly!"sabi ko, "Syempre kailangan nyo iyon kase sabi nyo nga pang bar promotion"

"Ba't ka kase nag suggest pa ng ganyang solusyon? Nainit na talaga ulo ko"sabi ni sir bullet at binigyan ko sya ng mapang asar na ngiti.

"Aba sir, malay ko ba na gagawin nyo iyong sinuggest ko at pasalamat ka sir bullet, may naisip pa akong solusyon nyo kahit papaano"sabi ko.

"Nakakapagod naman iyon, araw araw kailangan nasa bar kami so araw araw rin na sasayaw kami?"tanong ni sir grant.

"Pag may bagong bisita lang"sabi ko, "Kung ayaw nyo naman gawin iyon, bakit ayaw nyo na lang kase sabihin na lasing kayo that time kaya nagawa nyo iyon, in that way mas madali ang buhay nyo"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now