TBATB SPECIAL CHAPTER

2K 37 0
                                    


LEA'S BUCKET LIST

2 WEEKS LATER


Pagtapos ng kasal ay hindi kami nag honey moon, si bullet na mismo ang nagsabi at nagsuggest no'n dahil sa alam pa nyang may tutuparin pa ako bago kami gumawa ng baby, so imbes na mag sex kami during honey moon namin ay nag aya sya na maligo na lang sa beach, mag seashells hunting, mag sun bathing kinabukasan at kumain lang.




Sabi ko ayos naman na may protection pero kase sabi nya ay delikado pag may protection at baka masira, tupadin na daw muna namin ang pangarap ko o yung nasa bucket list ko bago kami magkaroon ng baby o gumawa ng baby,




He wants me to explore everything habang pure pa ako, madali lang naman daw kaseng gumawa ng baby, two hours is enough for that pero ang pag explore at pag tupad ko ng mga pangarap ko ay mahirap ng gawin kung may baby na kami.





Natutuwa ako kase hindi ko talaga ma- explain kung gaano ako ka-swerte na magkaroon ng katulad nya, alam kong masakit sa side nya na hindi natuloy ang honey moon namin pero alam kong may saya pa rin sa side nya dahil sa alam nya ang purpose ko kung bakit ayoko pa.







"Asawa ko, tara na, kain na tayo ng breakfast"napalingon ako at napangiti nang makita syang may hawak na tray at may nakalagay sa ibabaw no'n na pagkain.





Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya sabay halik ko sa kanya sa labi, napangiti sya at nagsalubong ang kilay,





"May problema ba at ang random mong gumalaw asawa ko?"tanong nya at napailing akong nakangiti,





"Wala, natutuwa lang kase ako na napaka swerte ko na magkaroon ng katulad mo, alam mo yun, napaka understanding mo, imbes na mag sex tayo sa honey moon natin ay hindi natuloy dahil sa hindi pa ako ready sa pagbuo ng baby gawa ng nasa bucketlist ko"sabi ko at napangiti sya sabay baba ng tray at hawak sa pisngi ko,






"Ano ka ba, wala iyon, alam ko kase na bago ka pa lang naging engineer, bago mo pa lang nae-explore ang mundo at bago mo pa lang nae-enjoy lahat ng perang pinaghirapan mo kaya naiintindihan ko iyon kung bakit hindi ka pa ready"sabi nya,






"Ayos lang ba sayo na mag antay ka ng matagal para doon?"tanong ko at napabuntong hininga sya,






"Nakapag antay nga ako ng matagal sa pagpili mo sa aming apat at nakapag antay ako ng matagal sa yes mo para sa marriage tapos iyon pa kayang pag buo ng baby? Kaya ko iyan intayin and madali lang iyang pag buo ng baby, let's add the bed, subtract our clothes and divide your legs and charan! Mag multiply na tayo pero ang pag abot mo sa pangarap mo ang mahirap so abutin mo muna"





"Thank you for understanding me, thank you for everything"sabi ko sabay halik na sa kanya.





Unang nasa bucket list namin ay ang taiwan kaya ayun ang pinuntahan namin.





"Bata pa lang ako, pangarap ko ng makapunta dito"kwento ko kay bullet habang naglalakad kami na naka- intertwined ang kamay, "kaya sabi ko pag ako talaga naging engineer? Heto ang una kong pupuntahan, ang taiwan"






"Paano mo naging favorite place ang taiwan? May backstory ba dito para heto ang maging paborito mong lugar?" tanong nya at napabuntong hininga ako at hindi na mapigilang umiyak,





"Dito kami iniwan ni papa, nagbakasyon kase kami dito nung bata pa ako, iniwan kami ni papa nung nahuli sya ni mama na may ibang babae. Naalala ko noon na grabe yung iyak ni mama, pinalayas kami ng kamag anak ni papa noong hindi na sila ni mama ang magkasama kaya napilitan si mama na umuwi na kami sa pilipinas, ayaw ko pa nga no'n dahil sa may gusto pa akong bilhin na laruan pero hindi na pwede kase nga wala na nga kaming matuluyan kaya ayun, bumalik ako dito ngayon para tingnan kung nandoon pa ang kamag anak ni papa na nagpalayas sa amin"sabi ko,








The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now