33

3.7K 86 3
                                    

"Nako, sama daw ako sa kanila dahil kailangan daw nila ng photographer sa hongkong"sabi ko kay maxine at nandito kami ngayon sa dining area at nagkakape.

"OMG KA! Sa hongkong?"tanong ni maxine at tumango ako habang nainom ng kape. "Kaya ba today beh?" Tanong nito.

"Oo naman, pagiging photographer lang, aba kayang kaya iyan"sabi ko at agaran ng nagprepare.

Palabas na ako ng bahay nang magising si mama at nakita ako, "Ang aga aga anak, saan punta mo?"tanong ni mama.

"May trabaho po ako na pagiging photographer, yung sinasabi ko po sayong extra kong trabaho"sabi ko at napabuntong hininga ito.

"Mag ingat ka anak huh"sabi nito sabay halik nya sa noo ko, aalis na ako nang matigil ako dahil nakita ko si sir grant, naka tshirt sya at short na simple lang, naka shades pa at may dalang bouquet.

"Goodmorning azalea, tita and maxine" sabi nitong nakangiti sabay bigay nya sa akin ng bulaklak.

"Ano pong ginagawa mo dito sir grant?" Tanong ko, "Sorry po sir grant huh kung hindi po muna ako makakapasok sa inyo ngayon, may flight po ako ngayon papuntang hongkong, may trabaho po ako doon"

"Wala ka namang trabaho sa akin, aayain sana kita mag date tayo"sabi nya at napabuntong hininga ako,

"Wala po akong time para dyan sir grant, kailangan ko na po talagang umalis dahil maiiwan po ako ng flight ko"sabi ko at aalis nang pigilan nya ako.

"Sasama ako"sabi nya sabay taas ng passport nya, "Mayroon rin akong flight papunta doon dahil doon rin gaganapin ang date natin"sabi nya nang nakangiti at nakita ko si mama na sobra naman ang pagkakilig.

Nasa kotse na kami, nakasakay ako at sya naman ang nag dadrive, mabilis sya mag drive dahil sa maiiwan na kami ng eroplano.

Bumaba na kami, inalalayan nya ako papasok sa airport at nakita ko na agad ang boss ko.

"Bakit ang tagal mo?"tanong ko at napatingala ito kay sir grant,

"Grant?"tanong ng boss ko,

"Ay opo, boss ko po pala si sir grant po" sabi ko at napangiti si sir grant sabay hubad ng shades nya,

"Not just her boss but his suitor also" sabi nito sabay akbay sa akin,

"Magkakilala po kayo ng boss ko sir grant?"tanong ko at napangiti syang tumingin sa akin,

"Kasosyo ko sya sa negosyo last year, sa kanya ka pala nag tatrabaho bilang?"

"Photographer po sir"sabi ko at nalaharap ulit sa boss ko, "Uh ma'am sorry po late po, tara na po"sabi ko nauna na sila sa paglalakad at sumunod naman kami ni sir grant sa kanya ng mga kumare nya.

"Kakilala mo po pala iyon sir grant" bulong ko habang naglalakad kami papunta sa eroplano at napangiti sya.

"Coincidence"sabi nya, "Sakto at pupunta ka ng hongkong, matutuloy natin ang date natin"

"Pero bago po muna ang date natin sir grant syempre gagawin ko na po muna ang trabaho ko kay ma'am at sayang rin po ang isesweldo ko sa kanya kung sasayangin ko"sabi ko, "And one more thing, makakapunta na ako sa hongkong! First time ko 'tong mag out of the country, sayang naman, sunod punta ko sina mama at kuya dito"

"Gusto mo ipasundo ko na sa mga guard ko? Papuntahin natin sila dito sa airport para diretso ng hongkong"sabi ni sir grant at napaawang ang labi ko, "Ako ang magbabayad ng flight nila papunta doon"

"Ay sir huwag na po, nakakahiya naman, trabaho po ang ipupunta ko sa hongkong at hindi po ang pamamasyal, pagtapos ko pong mag trabaho ay uuwi naman na po, nag abala ka pa po masyado sir"sabi ko sabay kamot ko sa ulo ko.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now