𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟕

341 19 0
                                    

NAGULAT si Allie nang makita ang sasakyang nakaparada sa labas ng palasyo

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

NAGULAT si Allie nang makita ang sasakyang nakaparada sa labas ng palasyo.

"Gumagana lang ito with magic. Wala kaming gasolina katulad nang sa mundo niyo." ani Maia nang makita ang reaksyon niya.

Si Rollieh ang magmamaneho.

"Amazing." bulalas ni Allie nang nasa loob na sila ng sasakyan.

Napaka komportable sa pakiramdam nang maupo siya sa tabi ni Maia.

Nasa likuran naman si Zen at magkatabi sa harap sina Jhosie at Rollieh.

"Ilang oras ang byahe?" tanong niya.

"Three hours Your Highness." sagot ni Jhosie.

Tila hindi na ito naiilang kay Maia.

Si Maia lang ang medyo ilang na kasama ang dalawa. Ngunit dahil importante ang misyon nila, isinantabi muna nito ang personal na issue with her ex.

Dinaanan nila ang mga building na walang katao tao. Maliban sa palasyo, it's like a ghost town.

"Nakalimutan kong itanong, bakit hindi bumalik ang mga tao sa kani kanilang mga tahanan?" tanong ni Allie habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Hindi ligtas sa labas ng palasyo Your Highness. Magic is protecting the palace to keep the people safe. Hindi namin alam hanggang kelan magiging ganito ang kahariang ito." mahabang paliwanag ni Jhosie.

Binuksan ni Allie ang bintana.

"Allie,no!" pigil agad ni Maia sa kaniya.

Isinara nitong muli ang bintana.

"Bakit?" taka niyang tanong.

"Its not safe Allie. Dark magic is lingering around the Kingdom. Si Rainier, yan ang dahilan kung bakit nasa panganib ang kaniyang buhay. Mas mabuti na nasa loob tayo. Iwasan muna natin ang anumang magpapahamak sa atin."

Tumango ang dalaga. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin.

Tumingin parin siya sa labas.

Napakatahimik.

Walang kabuhay buhay.

Ngunit nakikita niya ang maitim na hanging sumusulpot na lamang bigla sa kung saan.

Maybe thats the dark magic they're talking about.

"Can you see them?" tanong niya habang sa labas parin nakamasid.

"What? The dark magic?" si Maia.

"Yes. Can you see them?"

Nakitingin rin sa labas si Maia at Zen.

"No. We can't see them." sagot ni Jhosie.

Napalingon ang dalaga rito.

"Really?"

Hindi siya makapaniwala.

"Yes Your Highness. Only Seers can see dark magic. Thats why its dangerous for us to go out."

"But i can see them. They are everywhere. It looks like they are____."

Natigilan siya sa biglang pagsulpot ng maitim na usok sa bintana kung saan siya nakatingin.

"Allie, why?" worried na tanong ni Maia.

"It looks like they are following me." dugtong niya.

"Do we need to go back?" tanong ni Rollieh.

"No, kailangan nating iligtas ang kaibigan ko." madiin niyang sagot.

"Allie, hindi ko alam bakit ka nila sinusundan. Kailangan nating mag doble ingat." ani Maia.

Tumingin uli siya sa labas.

"Mas lalo silang dumadami." bulalas niya.

"Rollieh, hurry up!" utos ni Maia sa lalaki.

"Wala kaming nakikita. We can't feel anything too." ani Zen.

Halos kumakapit sa sasakyan ang mga itim na usok.

Allie was shocked to see tiny hands reaching for her.

Kinikilabutan siya.

Napahawak siya sa katabi.

"Allie."

"Why are they following me?"

"Baka dahil nakikita mo sila Your Highness." si Jhosie.

Ipinikit niya ang mga mata.

Ikinulong siya ni Maia sa dibdib nito at nang hindi na niya nakikita ang nasa labas.

"I'm sorry if i drag you into this world My Princess. But this is the reality we are so afraid of."

Naiintindihan niya.

Kung sa mundo nila nangyayari ang ganito, takot rin ang mararamdaman niya.

Kailangan niyang malaman paano siya makakatulong para maibalik sa kaligtasan ang mundong ito.

The sooner the better. Para makabalik na siya sa mundong kinalakihan.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now