𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟖

153 12 4
                                    

"Hindi ko kaya."

"Try harder!"

Inulit ni Layla ang ginawa ngunit wala paring pagbabago sa anyo ng batang lalaki.

"She is not powerful enough to change the boy."

Tumingin si Lord Ehann sa nagsalita.

"We need to change him into a monster and change him  back again para maniwala ang lahat." aniya rito.

"Just leave it to me."

Iniwan sila nito.

"I want you to try again Layla, harder this time. Kakausapin ko lang ang mga bagong dating."

Nang maiwang mag isa si Layla  kasama ang batang lalaki, napahawak siya sa ulo kasabay nang pagtulo ng kaniyang mga luha.

Halos mabiyak ang ulo niya sa paggamit sa kapangyarihang hindi para sa kaniya. Ngunit nakasalalay sa mga kamay niya ang kaligtasan ng buong pamilya niya. Kailangan niyang sundin ang gusto ni Lord Ehann para hindi mapahamak ang pamilya niya.

Sinubukan niya uling baguhin ang anyo ng batang lalaki ngunit walang nangyari. Mas lalo lang sumasakit ang ulo niya.

Sa labas ng silid na kinaroroonan niya, kaharap ni Lord Ehann ang hari at reyna nang Kimr Kingdom.

"Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ng hari.

"Yes." sagot ni Lord Ehann.

"We need to make sure na magtagumpay tayo sa plano." anang reyna.

Tumango si Lord Ehann.

"We will. Tomorrow, Princess Alessandra will die."




⊰᯽⊱┈──╌❊👸❊╌──┈⊰᯽⊱

Napaiyak  na naman si Allie nang makita ang kalagayan ng mga kasama. Naka kadena rin sa leeg ang mga ito habang nakaluhod sa itaas ng entablado sa harap ng mga tao.

Ngumiti sa kaniya si Maia nang makita siyang naglalakad palapit sa mga ito. Duguan ang buong katawan nito, maging sina Rollieh at Jhosie.

"Allie!" sigaw ni Maricar nang makita siya. Agad rin itong pinigilan nang guard na nakahawak sa kadena nito.

"Maricar." aniya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha.

Nagpasalamat si Allie nang makitang wala itong sugat sa katawan. Hindi niya kakayanin kung makitang nasasaktan ang kapatid.

"Maia." tawag niya sa babae ngunit ngumiti lang ito. Ngiting malungkot at bakas sa mukha ang pagod at sakit na nararamdaman nito.

Pinaluhod si Allie sa harap ng tiyahin na nakaupo sa entablado. Tiyahin ba niyang matatawag ang reyna? Hindi na niya alam.

Napatingin siya sa dalawang taong katabi nito. Naalala niya si King Richard at ang reyna nito mula sa kaharian ng Kimr kung saan nila nailigtas si Merideth.

Si Lord Ehann na nakatayo katabi ang babaeng nagpakilala na totoong prinsesa.

"People of  Abel, hear my words." sigaw ni Lord Ehann bago siya tinapunan nang malisyosong tingin.

"We are gathered here today to witness the trial of this  person who pretends to be someone else in order to deceive us all." anito nang itinuro siya.

Narinig niya ang ugong nang palakpakan ng mga tao. Ano ang nakakatuwa sa sinabi ni Lord Ehann, hindi mawari ni Allie.

"We have three witnesses with us today. King Richard of Kimr Kingdom and his queen."

Tumayo si King Richard at nagsalita.

"Saksi ako sa ginawang black magic nang babaeng ito sa Prime Minister nang Kimr Kingdom." panimula nito. "Using black magic is forbidden in all Kingdoms but this woman here, wala siyang awa nang gamitin iyon sa brother in law ko. Siya at ang mga kasama niya ay dapat mahatulan ng kamatayan."

Muling nagpalakpakan ang mga taong nakapaligid sa kanila.

"And we have another witness." si Lord Ehann.

Umakyat sa platform si Lloyd.

"Hayop ka Lloyd!" sigaw agad ni Tam nang makita ang lalaki. Ngunit hindi siya pinansin ni Lloyd. Tuloy ito sa pagsalita sa harap ng mga tao.

"Saksi ako sa pagpatay nila sa buong Faerie Kingdom."

"Liar!" sigaw ni Allie. Kinikilabutan siya sa kasinungalingang pinagsasabi nito.

"Nagsasabi ako ng totoo. Bilang kapatid ni Lord Ehann, alam niyong hindi ako magsisinungaling."

Hindi nila lubos akalain na naloko silang lahat ni Lloyd. Kaya ito sumama sa kanila para maging spy. Isa itong kaaway.

Nakita ni Allie ang galit sa mga mata ni Tam habang nakatitig kay Lloyd. Maging siya ay gusto niya ring ilibing ng buhay ang lalaki.

"Sinungaling ka! Kayong lahat!" sigaw ni Allie sa abot ng kaniyang makakaya. Natigil na sa pag agos ang kaniyang mga luha. Tanging nadarama niya ay pagkamuhi sa mga taong nagsisinungaling laban sa kanila.

Ngunit natigilan siya nang makita ang tatlong batang babae na iniakyat sa platform.

"No! No! No!" sigaw niya na nakaramdam agad ng takot.

Sina Ester, Tori at Serri, ang tatlong batang pinagaling niya.

"People of Abel, look at this three children. Sila ay ebidensya ng black magic na ginamit ng impostor na ito." ani Lord Ehann sa mga tao.

"No please, don't hurt them." pagmamakaawa ni Allie. "Queen Lhara please, let them go. Wala silang kasalanan. Inosente sila. Please, pakawalan mo sila."

Ngunit hindi man lang siya nito tinapunan nang tingin. Kay Layla lamang ito nakatingin at nagbigay ng go signal.

Nataranta si Allie nang lumapit si Layla sa magkakapatid. And from the  crowd, someone was shouting and begging for them to have mercy in the kids, ang mag asawang Noor at Xenia.

"Don't,please. Parang awa niyo na."

Ngunit kahit anong pagmamakaawa ang gawin nila, hindi nakikinig ang mga tao. Lumapit si Layla sa tatlong bata na hindi makapagsalita dahil nakatakip ang bibig ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata nila nang makita ang isang halimaw na umakyat sa stage, ready to slaugther the kids. It was the same monster Alessandra healed nang una siyang dumating sa mundong ito.

Tumutulo ang laway ng halimaw at nanlilisik ang mga mata. Natigil lang ito nang hawakan ni Layla sa ulo at biglang naging batang lalaki.

"Woahhh." hiyaw ng mga tao sabay palakpak.

Nanlalambot ang buong katawan ni Allie. Hindi na niya kaya ang mga nasaksihan. Hindi niya kayang sikmurain ang mga ginagawa nila.

"Nakita niyo kung gaano ka powerful ang totoong Prinsesa? She is the real Princess of Abel. Kaya anong dapat gawin sa isang impostor na katulad nang babaeng ito?"

Lumapit sa kaniya si Lord Ehann at itinuro sa mga tao.

"Kamatayan! Kamatayan! Kamatayan!"

Mas lalong kinilabutan si Allie, hindi para sa sarili niya kundi para sa tatlong bata na ngayon ay hinawakan ni Layla sa noo.

Unti unting naglaho ang mga mata ng mga ito.

Hindi lang mga mata, kundi buong mukha hanggang sa buong katawan ng mga bata.

"Noooooooooooo!"

At biglang nagdilim ang kaniyang paligid.



🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐟𝐨𝐫𝐠𝐞𝐭 𝐭𝐨 𝐯𝐨𝐭𝐞.

𝐌𝐢𝐬𝐬 𝐀 🦋







𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon