𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓𝟑

221 11 0
                                    

EVERYONE was dead.

"Goddess Iona, anong nangyari?" gulat na bulalas ni Jhosie pagkababa ng sasakyan.

Sa kalsada, nagkalat ang mga bangkay ng mga faeries.

Mulat pa ang mga mata habang nakahandusay sa kalsada.

"Guys be careful. Something is not right." babala ni Maia.

Iniwan nila ang sasakyan at naglakad papunta sa hotel.

At ganun rin ang dinatnan nila sa loob ng hotel.

Wala nang buhay ang mga faeries.

"I will check the CCTV cameras." ani Zen nang makitang wala ni isang nilalang ang natirang buhay.

Nagbakasakali parin sila, pero wala.

"Huwag tayong naghiwa hiwalay." biglang sigaw ni Rollieh.

Napatingin sila sa isa't isa.

"Kim!" sigaw ni Tam sa pangalan ng kaibigan nang hindi ito makita.

"Merideth!"

Lumabas sila agad ng hotel.

Sumunod agad si Zen.

"Maia! Help!"

Nanlaki ang kanilang mga mata nang makitang isinakay sa isang itim na sasakyan si Merideth. At kasama si Kim.

Walang sandaling sinayang si Zen, agad siyang sumugod pero isang malakas na pwersa ang sumalubong sa kaniya.

Isang malakas na pagsabog ang narinig kasabay ng kaniyang pagbagsak sa konkretong kalsada.

"Zen!" halos sabay nilang sigaw.

Susugod sana si Allie nang bigla nalang nawala sa paningin nila ang itim na sasakyan.

"San na sila?" tanong niya.

"Nawalang bigla!" si Lloyd.

Nilapitan ni Maia si Zen na nakahandusay sa semento.

"Zen, are you okay?" nag-aalalang tanong niya nang alalayan itong makatayo.

Tumango si Zen.

"They use magic cloak to cover their tracks." aniya.

"They are from Kimr Kingdom." sagot ni Rollieh nang lapitan sila. Pareho nilang inalalayan si Zen.

Kimr Kingdom, kung saan nila niligtas si Merideth. At ngayon, hawak nilang muli ang babae.

"Masusundan parin natin sila." ani Jhosie.

"In our wolf form." dugtong ni Maia.

"Jhosie, you will  drive the car. Maia and I will follow their scents. Lloyd, ikaw ang magmaneho sa isang sasakyan."

"Allie, baka may masamang mangyari kay Kim at Meri." worried na sabi ni Maricar sa kapatid.

"Magbabayad sila kapag may gagawin  silang masama." pagbabanta ni Alessandra.

"Back to the car. Now!" utos niya na agad sinunod ng mga kasama.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

OUTSIDE KIMR KINGDOM

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

MERIDETH felt hopeless.

Wala siyang magagawa para tulungan si Kim habang tino-torture ng mga walang hiyang kumidnap sa kanila.

Habang nakatali ang mga kamay at mga paa, nakaluhod siya sa lupa habang ipinapakita sa kaniya paano nila saktan si Kim.

Nakagapos ito sa puno ng kahoy.

Ang isang lalaking humihiwa sa balat nito sa pisngi ay parang demonyong nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi ka parin magsasalita? Hindi mo parin ba sasabihin kung sino ang nilalang na nagbura ng alaala ng dati mong amo?"

Ang Prime Minister ang tinutukoy nito.

Hindi siya nagsalita.

Napasigaw siya nang saksakin nito sa tagiliran si Kim.

"Huwag!"

Hindi na niya nakikita ang mukha ni Kim dahil sa duguan ang buong mukha nito.

At ngayon naman ay ang tagiliran nito ang duguan.

"Kim!" sigaw niya nang hindi na gumagalaw ang babae.

"Hindi ka parin magsasalita?!" sigaw ng lalaki sa mukha niya.

She really is hopeless. She can't even cry. Walang luhang pumapatak mula sa mga mata.

She really is broken.

Lumapit muli ang lalaki kay Kim. Ang isang kasama nito ay kumuha ng bucket ng tubig at binuhusan si Kim.

Nagkamalay itong muli para lang torturin muli.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸

"NOTHING."

Bigo silang masundan ang mga kumidnap kila Kim at Merideth.

"Allie, please save them." naiiyak na pakiusap ni Tam sa tahimik na dalaga.

Siya ang pinakamakapangyarihan, sabi nila. Pero bakit hindi niya mahanap ang dalawa?

Ipinikit niya ang mga mata, trying to listen to every sound she can hear around them.

Still,nothing.

She tried again.

Nothing. Parang may malaking wall na nakaharang sa kaniya.

Nagmulat siya ng mga mata. Lumayo siya sa mga kasama at sinubukang gamiting muli ang kakayahan niyang makarinig ng tunog kahit nasa malayo.

Ngunit wala parin.

Mas lumayo pa siya. Halos hindi na niya makita ang mga kasama.

"Alessandra."

Nagulat ang dalaga.

That voice. It's back!

"Can you help me find my friends?" tanong niya sa kawalan.

Walang sumagot.

"Hello, kung sinu kaman please help me. Kailangan ko silang makita."

"You are the sun,the moon, the land, the water, the wind. You are the magic. Follow your heart Alessandra. Remember, this realm is You."

What was that?!

"You are the sun, the moon,the land,the water, the wind. You are the magic. Follow your heart Alessandra. Remember, this realm is You."

"This realm is me." aniya sa sarili.

Anong ibig sabihin non?

She looked around her. Malapit nang lumubog ang araw.

She is the sun, the moon,the land,the water,the wind. She is the magic. She is the realm.

San siya magsisimula? Paano niya mahahanap sina Kim at Merideth?


𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀حيث تعيش القصص. اكتشف الآن