𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟖

683 33 1
                                    


SANDALI silang iniwan ng mag asawang Ocampo nang ipinatawag sila ng doktor ni Allie.

Seryoso ang mukha ng doktor nang makaharap ang mag asawa.

"Please have a seat Mr. & Mrs. Ocampo." anito na agad sinunod ng mag asawa.

"May problema ba dok?" tanong ni Mr. Ocampo.

Seryoso paring nagsalita ang doktor.

"First, thankful ako at nakaligtas na sa kapahamakan ang inyong anak. She is now stable, and now there is nothing to worry about anymore."

Sabay napa 'Thanks God' ang mag asawa.

Nagpatuloy ang doktor.

"But this is a very serious matter Mr. and Mrs. Ocampo.Dahil sa first night ni Allie dito, she was in a very bad condition. Marami siyang sugat sa katawan at malaki ang tinamo niyang sugat sa ulo. At after five days while she was in a coma, all of a sudden, after she woke up, there are no marks or scars. Not even a single scratch in her body. How could it be possible? We don't know, really. It's a miracle because we can't explain why and how and what happened to her."

Matagal na nagkatinginan ang mag asawa ngunit walang nagsasalita ni isa man sa kanilang dalawa.

"So dok, puede na bq naming iuwi si Allie?" ang tanong ni Mrs. Ocampo pagkalipas ng ilang sandali.

"There is no reason to keep your daughter in staying here Mrs. Ocampo. She is fine now. Ipapaayos ko lang ang release papers niya."

Tumayo ang mag asawa at nagpaaalam na sa doktor.

Lumabas sila ng opisina nito at bumalik sa kwarto ng anak.

Hindi nga pinag uusapan ng mag asawa ang tungkol sa mga sinabi ng doktor. Ngunit si Allie, napakunot noo nang biglang narinig ang nasa isipan ng mga magulang.

Tahimik ang mga ito, ngunit ang mga nasa isipan ng mga ito ay naririnig ni Allie. Nang mapatingin ang mga ito sa kaniya, ang narinig niyang nasa isipan ng ina ay nagpagimbal sa kaniya.

"Sino kaya ang batang ito? At saan siya nanggaling? Anong pagkatao mayroon ang totoong mga magulang nito?"

"This is unbelievable. Totoo nga ang mga sinabi ng doktor. Wala na ang mga sugat, kahit gasgas sa katawan ng anak ko." ang nasa isipan ng ama habang pinagmamasdan siya.

Gulat na gulat naman si Allie.

Bakit naririnig niya ang mga nasa isipan ng mga ito?

Nang tumingin siya sa kapatid, ang nasa isipan nito ay kung paano ito babawi sa mga nagawa nitong kasalanan sa kaniya.

Totoo ngang nagsisi na ito sa mga nagawa sa kaniya.

Si Yaya naman ay nag iisip nang masarap na pagkain para sa kaniya.

Ipinikit niya ang mga mata at pilit na kinokontrol ang sariling isipan dahil nakakabingi ang mga tinig na naririnig niya.

Tinakpan niya ang mga tenga, huminga ng malalim at pinakalma ang sarili.

Nang alisin niya ang mga kamay sa tenga, naging normal na ang pandinig niya.

Hindi niya alam paano sasabihin sa mga magulang ang nadiskubre sa sarili. Baka lalong mag panic ang mga ito dahil hindi siya normal.

...

.

.

.

NANG pauwi na sila, nasa likuran si Allie habang nakatingin sa labas ng bintana. Katabi niya ang kapatid at si Yaya.

Napatinging bigla ang dalaga sa babaeng nakatayo sa tapat ng isang grocery store.

At nakatingin rin ito sa kaniya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Alam niyang seconds lang, pero tila tumigil sa pag ikot ang orasan nang mga mata nila ay pinagtagpo.

Nakatingin parin siya rito habang papalayo ng papalayo rito.

"Bakit?" tanong ng kapatid nang nasa likuran parin siya nakatingin.

"Wala." sagot niya at muling umayos sa pagkakaupo.

Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kakaiba siyang nararamdaman nang makita ang babae.

Hindi niya ito kilala.

Never niya pa ito nakita.

Sinubukan niyang basahin ang nasa isipan nito ngunit wala siyang mabasa. Na lalong nagpahulog sa kaniya sa malalim na pag iisip.

Sino kaya ang babaeng iyon?

Bakit kakaiba ang init na hatid ng mga mata nitong nakatitig sa kaniya na tila tagos hanggang kaluluwa niya?

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now