𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟎

665 32 4
                                    

PILIT GINAGAWANG NORMAL NI ALLIE ang lahat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PILIT GINAGAWANG NORMAL NI ALLIE ang lahat.

Isinasara niya ang sarili sa anumang bagay na nagpapagulo sa kaniyang isipan.

Isinasara niya ang isip na basahin ang mga iniisip ng mga nasa palagid at mga naririnig.

Gusto niyang maging normal ang lahat, ngunit tila napakahirap gawin.

Dahil ang pag aapoy ng kaniyang kaloob looban ay tila ayaw ng mawala. Parang sa isang sandali nalang ay bubuga na siya ng apoy.

Nang nasa school, kasabay na niya si Maricar. Tuluyan na ngang naging mabuting kapatid ito sa kaniya.

Binigyan pa siya ng welcome song ng mga kaklase at mga teachers niya.

Ngunit hindi siya mapakali.

May bumabagabag sa kaniya.

Iba ang pakiramdam niya katulad nang makita niya ang babae sa ___.

"Hi."

Parang humintong bigla sa pag ikot ang kaniyang mundo.

Tanging siya lamang ang gumagalaw at ang babaeng nilingon niya ngayon.

Ang babaeng nakita niya kahapon.

"Sino ka?" ang una niyang tanong.

Ngumiti ito, ngiting tila kumiliti sa puso ng dalaga.

"I'm Maia."

Napakunot noo si Allie.

"Magkakilala ba tayo?" tanong niya.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now