𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟑

547 28 3
                                    

GINAMIT ni Allie ang huling kakayahang nadiskubre

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

GINAMIT ni Allie ang huling kakayahang nadiskubre. Inisip lamang niya na nasa labas siya ng canteen, at sa isang iglap lang nasa labas nga siya nakatayo.

Wala na siya sa loob ng apartment na kinaroroonan kani kanina lang kasama sila Maia at Zenda.

Mabuti nalang at walang nakapansin sa bigla niyang pagsulpot. O baka bahagi ng kakayahan niya ang hindi mapansin ng iba ang ganitong pangyayari.

Hindi na niya kailangang magpahatid sundo kay Tatay Leo.

Natawa siya sa naisip.

Ngunit agad ding naalala si Rainier.

Pumasok siya sa loob ng canteen ngunit wala na ito.

Sinubukan niyang buksan ang koneksyon mula sa binata at nabasa niya ang nasa isipan nito.

"Sana okay lang siya."

Para ring naramdaman niya ang kinaroroonan nito.

"Clinic." aniya sa sarili.

Agad siyang pumunta sa clinic, at nakita niya itong papalabas na.

"Rainier!" tawag niya rito.

Napatingin ito sa kaniya.

"Allie."

Lumapit ang dalaga rito.

Nakita niyang may pinahid na cream sa braso nitong pulang pula.

"I'm so sorry."

Ngumiti ito.

"It's alright Allie. Malayo ito sa bituka."

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now