𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟔

370 19 0
                                    

"Maricar, what are you doing here sis?"

"Allie, si Rainier."

Napatingin si Allie sa lalaking nakahiga sa hospital bed.

"Anong nangyari?" tanong niya nang kumalas sa pagkakayakap sa kapatid. "At anong gingawa niyo dito?"

Napatingin siya sa dalawa pang kasama ng mga ito. Ang dalawang kaibigan ni Rainier.

"Sinundan ka namin. Hindi naman namin akalain na mapupunta kami rito. " anang kapatid.

"You guys shouldn't be here."

Nilapitan niya si Rainier.

Ngumiti ito ngunit napangiwi rin agad.

"What happened? Why are you in pain?"

"He was poisoned." sagot ni Jhosie. "We found them roaming around the city. Hinuli namin sila dahil mga dayuhan sila."

Maputla si Rainier.

"Allie, hindi raw nila malaman kung ano ang nakalason kay Rainier. Wala rin silang gamot para sa kaniya. Nag aalala na kami para sa kaniya."

Tumingin si Allie sa dalawang kasama ng mga ito.

"This is Kim." turo nito sa babaeng maiksi ang buhok. "And Tam." at sa lalaking kilos babae.

"Are you guys okay?" tanong niya sa dalawa.

Nakikita na niya ang mga ito na palaging kasama ni Rainier.

"Okay lang kami. Si tol Rainier ang hindi." astiging sagot ni Kim.

Hinawakan ni Allie ang kamay ng binata.

Si Maia naman ay nakatingin lamang, walang kibo.

"Hey..." ani Allie nang pilit ngumiti ng binata.

"Are you okay?" nanghihinang tanong nito.

"Ako dapat ang magtanong niyan sayo."

"Okay na ako ngayong alam kong okay ka. Worried kaming lahat sayo."

Lumingon si Allie kina Jhosie at Rollieh.

"Wala bang gamot ang puedeng ibigay sa kaibigan ko?" tanong niya.

"I'm sorry Your Highness, pero ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin. No magic can heal him." sagot ni Rollieh.

"How about my grandmother? Does she know?" tanong niya.

Nagkatinginan ang mag-asawa.

"Maaaring may alam ang reyna." ani Jhosie.

"Ako na ang magpapatawag sa mahal na reyna." si Maia.

Napatingin si Allie rito.

"Thank you Maia." aniya rito bago ito lumabas ng silid.

Mayamaya lang,dumating ang lola niya.

Ipinaliwanag nila rito ang nangyari at ang kalagayan ni Rainier.

Isinantabi muna ni Allie ang galit at hinanakit niya sa sariling lola para sa kaibigang nangangailangan ng tulong.

Dinama nito ang pulso ni Rainier.

Nag antay si Allie sa sasabihin nito.

"He is poisoned by a dark magic." mayamaya ay wika ng reyna.

"You can heal him?" tanong ni Allie.

Umiling ito.

Bagsak ang mga balikat ni Allie at ng mga kaibigan.

"But there is someone who can." dugtong ng ginang.

"And what it is?" tanong agad ni Allie.

"A mermaid's tears."

Napakunot noo si Allie.

"Your Majesty, mermaids had been wiped out twenty years ago. We can't find___."

Pinutol agad ng reyna ang iba pang sasabihin ni Jhosie.

"There's  one mermaid who is still alive. She is the daughter of the late King Eidon."

"Princess Merideth." sagot ni Maia.

Tumango ang reyna.

"Kilala mo siya Maia. Minsan na kayong nagkasama nong kabataan niyo."

"But Your Majesty, where is she now?" tanong ni Rollieh.

"Ang nalaman ko, isa na siyang alipin ng isang makapangyarihang Prime Minister ng Kaharian ng Kimr." anang reyna.

"Then we need to ask her." ani Allie.

"Allie, mahirap. Kapag alipin ka na, pagmamay ari na siya ng taong iyon." ani Maia.

"Maia, kahit magmakaawa pa ako sa kaniya, gagawin ko. We just need her tears right? We can just make her cry."

Nagkatinginan sina Jhosie at Maia.

"Alessandra, the Prime Minister is a very cruel man. He was the one who slaughtered Merideth's whole family. Hindi niya ibibigay si Merideth ng ganon lang." anang ginang.

"I still have to try."

Nagmamakaawang tumingin si Allie rito.

Napatingin ang reyna kay Maia.

"Bring Jhosie and Rollieh with you. Take my ring as a payment."

Lumapit si Allie sa ginang.

"I'm going with them." aniya.

"No Alessandra! You can't. Kapag nalaman nila kung sino ka, malalagay sa panganib ang buhay mo."

Ngunit ayaw rin niyang hayaang umalis si Maia na wala siya.

"Maia can protect me. And i need to learn everything about this world. Kaya sisimulan ko sa paghahanap sa lunas para sa kaibigan ko. If i can save my friend, then i can also save this world from dying."

Her grandmother looked at her with a proud smile.

"You start to sound like your Mother. Alright then, isama niyo rin si Zen."

Tatlong araw.

Kailangan nilang makabalik bago pa mahuli ang lahat at hindi na nila maisalba pa ang kaibigan.


𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon