𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕𝟏

182 12 0
                                    

Nagpupumiglas mula sa pagkakatali si Allie nang makitang isa isang pinaluhod sa harap niya ang mga kasama.

"People of Abel, napatunayan na ang mga kasalanan ng mga ito. Narinig at nakita ninyong lahat kung ano ang mga nagawa nila. Kaya ang hatol, kamatayan."

"Kamatayan! Kamatayan!"

Ganitong ganito rin noon. Naniwala agad ang lahat sa mga paratang laban sa kaniyang ina nang sunugin nila itong buhay.

At ngayon, mararanasan uli niya ang dinanas nong sanggol pa siya. Paano niya maililigtas ang mga kasama? Wala siyang kapangyarihan.

"Lord Ehann, maawa ka. Huwag mong idamay ang mga kaibigan ko at kapatid." sigaw niyang umiiyak.

Lumingon sa kaniya ang lalaki.

Ngumisi pa bago nilapitan si Maia.

"Before kita susunugin ng buhay Alessandra, i will let you watch how your lover will die in my hands."

Napasigaw si Allie nang makitang lumapit rin  si Layla kay Maia.

"No, please no. Parang awa niyo na."

Ngunit sa bawat pagmamakaawa niya, mas lalo lang ginanahan si Lord Ehann sa bawat pagsigaw at pag iyak niya.

Mula kay Layla, he took a knife from her hand and place the blade on Maia's throat. Maia's wounded and bleeding face smiled at her, telling Allie that everything will be alright.

Naalala ni Allie ang paulit ulit na pagpatay ni Lord Ehann sa kung sino man ang inibig ng Goddess Iona.

At masasaksihan niya mismo ngayon kung paano kikitilin ni Ehann ang buhay ni Maia.

Halos mawala ang boses niya kakasigaw nang pagmamakaawa. Ngunit bingi ang lahat maging ang reyna.

Napagtanto ni Allie kung gaano katigas ang puso nang mga tagarito. Ni hindi man lang marunong maawa sa mga katulad nilang walang kalaban laban.

"Watch how your lover die Alessandra."

Tumulo ang luha ni Maia habang nakatitig kay Allie.

Si Zen naman na nakasilip ng pagkakataon, kahit na nanghihina dahil sa pinainom sa kaniyang pampawala ng lakas. Nasa malapit niya lang si Layla.

At binuhos niya ang natitirang lakas nang tumayo at sa isang saglit ay kagat na sa leeg si Layla.

Napasigaw ito, maging ang mga taong nakakita.

Itinapat ni Layla sa dibdib niya ang palad nito at itinulak siya palayo.

Napahawak ito sa duguang leeg.

"She's human!" buong lakas na sigaw ni Zen sa lahat.

"How dare you!" sigaw ni Lord Ehann, nanlilisik ang mga mata bago hiniwa ang leeg ni Maia.

Si Allie naman ay halos madurog na ang buong puso at kaluluwa sa nasaksihan. Ni hindi niya marinig ang sigaw rin ng mga kaibigan.

Ni hindi niya napansin na napalibutan na siya nang sumiklab ang apoy.

Nagdurugo ang kaniyang puso.

Nakahandusay sa lupa si Maia, ni hindi man lang niya ito mahawakan.

"Maia!" hagulhol ng dalaga.

Hindi gumagalaw si Maia, at punong puno ng takot ang kaniyang puso.

"Allie! Allie!"

Napatingin siya kay Maricar. Umiiyak ang kapatid habang nagsisigaw sa pangalan niya.

"Allie!" si Rainier na umiiyak rin habang pinagmamasdan siya.

Saka niya lang napansin, sa likod ng kaniyang mga luha, ang apoy na nakapaligid sa kaniya.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon