𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟔

677 37 1
                                    

TUMUNOG ANG  CELLPHONE NI ALLIE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TUMUNOG ANG CELLPHONE NI ALLIE.

"Hello Yaya." sagot niya.

"Allie, umuwi na ang kapatid mo."

Nakahinga ng maluwag ang dalaga.

"Salamat Yaya. Pauwi na rin kami. Ang lakas nga lang ng ulan."

"Naku, pakisabi kay Tatay Leo mo na mag iingat sa pagmamaneho. Malapit na ba kayo?"

"Medyo malayo pa po. Galing kasi kami sa bahay ng kaibigan ni Maricar."

"Mag iingat kayo Allie."

"Opo yaya."

Nang papaliko na ang kotse sa isang kalsada, bigla na lamang kumulog ng malakas.

Sinundan pa ng kidlat na tumama sa isang poste ng ilaw.

At huli na para apakan ni Mang Leo ang break ng sasakyan, dahil mismong sa sasakyan nila natumba ang poste ng kuryente.

Si Allie, na nakikipag usap pa kay Yaya Margie ay biglang nawala. Hindi na ito nagsasalita at ang hawak na gadget ay durog durog na.

Tumama ang ulo ng dalaga sa bintana ng sasakyanna siyang nagpawala sa kaniyang malay.

Hindi rin mabilang ang mga basag na salamin na tumama sa kaniyang katawan.

Si Mang Leo, duguan, at wala ring malay-tao.

.

.

.

.

.

.

.

'YOU HAVE a call. You have a call.'

Nagising si Mr. Ocampo sa ringtone ng mobile phone.

Pinindot niya ang answer key na nakapikit pa ang mga mata.

"Hello?"

"Hello, Mr. Ocampo?" boses babae.

"Yes?"

"Are you the father of Miss Allessandra Ocampo?"

Nagmulat siya ng mga mata at napabangon bigla.

"Yes, ako nga." sagot niyang biglang kinabahan.

"Mr. Ocampo, i'm calling from Saint Luke General Hospital. Naaksidente po ang minamanehong sasakyan ng family driver niyo. Kasama po ang anak niyo. Kung maaari po sanang____."

"Nandiyan na kami bukas na bukas ng umaga."

Pinatay niya agad ang tawag.

Ginising niya ang asawa.

"Whats wrong?" tanong ng asawa.

"Si Allie, naaksidente. We need to go home."

Tinawagan niya ang numero sa bahay sa Manila.

"Hello." sagot nang sumagot.

"Yaya, anong nangyari at bakit nasa hospital ang anak ko?"

Umiiyak ang ginang.

"Sir, umalis po sila ni Leo para sunduin si Maricar dahil tumakas ito. Hindi ko po alam Sir kung anong nangyari."

Galit na galit si Mr. Ocampo.

"At nasaan ang magaling kong anak?" tanong niya.

"Nasa itaas po Sir. Hindi pa po niya alam ang nangyari kila Leo at Allie."

Pinatay niya ang tawag.

"How's Allie?" worried na tanong ng asawa.

"I don't know yet. "

"Ano bang nangyari?"

"Maricar." galit niyang wika. "Tumakas raw."

Hindi niya alam anong gagawin niya sa anak na sobrang tigas ng ulo.

Ipinagdadasal na lamang niya sa ngayon na sana hindi ganun kalala ang sinapit ni Allie.

Baka hindi niya mapatawad ang sariling anak.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now