𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟎

191 10 0
                                    

Naghihintay si Maia sa sasabihin ng royal doctor na tumitingin kay Allie.

Nakatayo siya katabi ang reyna na naghihintay rin sa resulta.

"Fatigue and stress." anito mayamaya.

"Thats all?" tanong ni Maia. It seems much worse.

"Yes. I'll give the Princess something. Tomorrow we'll see her in good condition."

"Princess Maia, stay with her. The maids are outside the room, just call them if my niece need  something."

Tumango si Maia sa reyna.

Nang makalabas na ang lahat,dinama niya ang noo nito at nakahinga ng maluwag nang hindi na ito malamig. Effective nga ang gamot na binigay ng doctor.

Pero nagtataka siya bakit nangyari to kay Allie. Naalala niya ang nangyari sa mundo ng mga tao, kung saan nasunog pa ang kama ni Allie dahil sa init na nagmula sa kaniyang katawan.

Bakit hindi na nauli yun? Buong akala niya magta transform si Allie bilang dragon. Pero walang nangyari. At nagkasakit ito? Nanghina dahil sa pagod at stress? Napaka imposible.

Sandali niyang iniwan si Allie at pumunta sa quarters kung saan nag stay ang mga kasama. Nasa loob silang lahat nang datnan niya.

"Kumusta ang kapatid ko?" tanonga agad ni Maricar nang pumasok si Maia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kumusta ang kapatid ko?" tanonga agad ni Maricar nang pumasok si Maia. Puno nang pag alala ang mukha at boses.

"Nagpapahinga na siya. Maricar, may itatanong ako. Nangyari na ba to kay Allie before?"

Umiling si Maricar.

"She never got sick. Kahit nga isang pilat, walang makikita sa katawan niya. The accident, she never got any scars."

Lumingon si Maia sa mga kasama pero napansin niyang wala si Lloyd.

"Asan si Lloyd?"

"Hindi rin namin alam." sagot ni Zen. "Kanina pa hindi mapakali si Tam."

"We should ask Sir Sandrie." mungkahi ni Jhosie.

"Taga rito ba si Lloyd?" tanong ni Rainier.

"He told us before na iisa lang ang destinasyon natin. So maybe tagarito siya." si Rollieh.

"May pamilya siya pero hindi ko alam kung nasaan." sagot ni Tam. "Isa raw siyang dating sundalo na nawalay sa pamilya niya. Baka nahanap na niya?"

"Without telling us anything?" tanong ni Maia.

"Maia, bumalik ka na muna sa kapatid ko. Huwag mo siyang iwan. Pinagsabihan kami ng reyna na wala ni isa sa amin ang puedeng lumapit kay Allie hanggat hindi pa siya okay."

"Sana bukas magkausap na tayong lahat kasama si Allie. Dalawang  linggo na simula nang mapadpad kayo rito. Ibig sabihin, mag dalawang araw palang sa mundo ng mga tao. Kapag pinatagal pa natin, mas lalong mag alala ang pamilya niyo sa bigla niyong pagkawala." ani Maia.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now