𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟑

349 19 0
                                    

"YOU MEAN,kailangan pa nating maglakbay para lang makabalik ang kapatid ko at mga kasama niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Allie nang ipakita ni Maia ang mapa at ituro nito ang mga lagusang ayun rito ay sarado na.

Maliban sa kahariang kinalakihan ng namayapang ina.

Tumango si Maia.

"Ilang araw tayong bibyahe?" tanong niya uli.

"Three months. Dahil sa walang mga airplanes na lumilipad, kaya by land tayo." sagot nito.

"Since andito tayo sa ibang dimension, wala bang mga giant eagle dito na puedeng sakyan maliban sa eroplano?"

Napatingin ang lahat sa nagsalita.

"Sorry Tam, pero walang giant eagle dito. Dragons yes, meron noon pero wala na ngayon."

Tumingin si Allie sa lola.

"Maging safe ba kami don?" tanong niya rito.

"Magpapadala ako ng mensahe sa tiyahin mo para maseguro niyang safe kayong darating don. She is the Queen, walang sinuman ang magnanais na ilagay sa kapahamakan ang kaniyang pamangkin."

"Does she know i'm alive?"

Tumango ito.

"Thirty years ago, alam niyang ikaw ang hahanapin namin. Kung saan ka iniligtas ng iyong ina, don rin kami nagsimulang maghanap ng lagusan para makapasok sa mundo niyo." sagot ni Maia.

Lumapit si Maricar kay Allie.

"Sis, you don't have to worry about us. Mas maigi ngang kasama mo kami rito. Sinabi naman sa amin ni Zen ang ipinagkaiba ng oras rito at oras sa atin. I'm sure Mom and Dad will be okay."

At iyon nga ang inaalala niya.

Alam niyang sobrang worried na ngayon ang mga magulang nila.

"We will go home soon." aniya rito bago tumingin  kay Maia.

"Can we leave as soon as possible?"

Si Zen ang sumagot.

"May dalawang sasakyan na ang nakaready." anito.

"But before that, Alessandra you need to see what is happening in the  Kingdom." anang lola.

Tumango siya dahil alam niya ang ibig nitong sabihin.






׺°”˜'”°º× 🎀🎀 ׺°”'˜”°º×

NAMANGHA si Allie nang makita ang mga taong naglalakad sa lahat ng dako.

Mula sa kinauupuan, tanaw na tanaw niya ang mga masasayang mukha ng mga tao.

Napakarami ang gumagamit ng magic para linisin ang mga kalsada.

Ibang iba sa ghost city na naabutan niya nang dumating sila rito.

"Ang saya saya nila." ani Maia sa tabi niya.

"Hindi ko lubos akalaing kaya ko palang ibalik ang kanilang mga nawalang pag - asa." aniya.

Naisip niya si Tania.

"We will be there bukas ng umaga." ani Maia na nabasa ang nasa isipan niya.

Tumango siya.

Nilingon niya sina Maricar at Rainier sa likuran.

Magkatabi ang mga ito habang nakasandal sa balikat ng lalaki si Maricar.

Parang hindi nanggaling sa malubhang karamdaman ang lalaki.

Masigla na itong nakikipag usap sa kapatid.

"Nagseselos ka ba?" biglang tanong ni Maia sa kaniya.

Tumingin siya rito.

Inisip niya kung nagseselos ba siya at nang segurado siya sa sagot,umiling siya.

"I'm happy na nagkaroon sila ng time na kilalanin ang isa't isa." aniya.

"But Rainier seems to like you a lot."

"Maybe because he haven't realize it yet na he's falling for my sister."

Papalabas na nang kaharian ang sasakyan.

She's wondering if makakabalik pa ba siya sa kahariang ito?

"This is your Kingdom too Allie." ani Maia. "This is my home. And my home is your home."

Ngumiti ang dalaga.

Pero handa nga rin ba siyang tawaging "Home" ang kaharian kung saan pinatay ang kaniyang ina?


𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now