𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟕

398 22 5
                                    

"Bakit wala silang mga mata?" gulat niyang tanong nang makita sa malapitan ang mga mukha ng mga ito.

Lumapit rin sina Zenda at Maia.

"Oh my Goddess Iona!" bulalas ni Zenda nang makita na wala ngang mga mata ang mga bata.

"Ipinanganak silang normal." anang ina nang mga ito. "Ngunit.pagkalipas ng ilang taon, bigla na lamang nawala ang kanilang mga mata. Hindi namin alam kung bakit at anong dahilan. Wala ring may alam paano sila gamutin."

Parang dinudurog ang puso ni Allie.

"Kumain na muna tayo." anang lalaki. "Pero bago tayo kakain,ako nga pala si Todor." pakilala nito sa sarili.

"Zenda." ani Zenda sabay turo sa sarili.

"Maia." pakilala rin ni Maia sa sarili.

"Allie." aniya rin.

Nakiupo sila sa harap ng hapag kainan kasalo ang pamilya ni Todor.

Gulay at isda ang nasa mesa.

Saka lamang nila napagtanto kung gaano sila kagutom.

"Pagpasensyahan niyo na, yan lang ang nakayanan namin." anang asawa ni Todor.

"Maraming salamat po sa pagkain." sagot ni Allie.

"Bakit nga pala kayo napadako sa lugar na ito?" tanong ni Todor.

"May hinanap lang kami." sagot ni Maia.

"Kumakain din ang mga vampires ng normal foods?" tanong ni Allie bigla nang mapansing kumakain rin si Zen.

"Oo, hindi naman sila katulad ng mga stories sa inyo na patay sila at nabubuhay at naging bampira. Isinilang na silang ganyan." paliwanag ni Maia.

"Ohhhh."

"Hindi ka ba taga rito Allie?" tanong ni Siera sa kaniya.

"Hindi po." sagot agad ni Allie.

"Ibig niya pong sabihin, hindi ganun kalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa ibang nilalang." pagtatama ni Maia sa sagot niya.

Tinanggap naman ng mga ito ang dahilan nila at hindi na nagtanong pa.

Pagkatapos nilang kumain, binigyan sila ng kumot at unan at mga damit na puede nilang isuot sa pagtulog.

Nagulat si Maia nang makitang naglabas siya ng damit sa dala niyang bag.

"What?" tanong ni Allie rito.

"Bakit may underwears kang dala?" natatawang tanong ni Maia.

"Babae ako,sympre magdadala ako. Gusto mong humiram?"

Mas lalong natawa si Maia.

"Hindi ba at sinabi ko sayong walang pinagkaiba ang mundong ito sa mundong kinalakihan mo? Ang pinagkaiba lang ay ang mundong ito is ruled with magic."

"Oo,sinabi mo na. But i want to make sure na may extra akong damit at underwears. May mall din ba dito? Supermarkets?"

Tumango si Maia.

"Wala akong pera." aniya rin agad. "May money changer ba sila dito, or ATM?"

"We don't use that. We only have gold and silver coins here."

"Wow, see wala akong gold."

"Marami kang gold. Wait until we reach the Kingdom of Lourz."

Tumango tango ang dalaga.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Où les histoires vivent. Découvrez maintenant