𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟖

399 25 1
                                    

NAGISING si Allie na may mabigat na nakadantay sa kaniyang dibdib.

Pagmulat niya nang mga mata ay kamay ng katabi ang nasa kaliwang dibdib.

Sa paggalaw niya, nagising rin ang katabi.

"Good morning My Princess." bati pa nito saka napansin kung saan nakahawak ang kaniyang kamay.

"Oh shit!"

Bigla itong napatayo.

Namumula ang mukha ni Allie nang ipikit ang mga mata.

"Sorry Allie, napasarap ang tulog ko."

Pinapakalma niya ang sarili dahil nararamdaman na naman niya ang pag iinit ng katawan.

"Labas muna ako." anito at narinig niya ang pagmamadali nitong paglabas ng silid.

Saka lamang siya nagmulat ng mga mata.

Sabay buga ng hangin na parang steam na galing sa kumukulong tubig.

"What if i will burn the house kung magsi-sex kami?"

Agad niyang pinagalitan ang sarili sa naisip.

Kung anu ano nalang ang pumapasok sa isipan niya ngayon.

Bumangon siya at inayos ang mga kumot at unan na ginamit nila.

Inayos niya ang sarili at tinakpang muli ang buhok. Saka siya lumabas.

Sinalubong siya ng tatlong bata.

"Magandang umaga Allie." sabay na bati ng tatlo.

Napangiti si Allie.

"Magandang umaga rin." aniya.

Itinuro ng panganay na babae ang banyo.

Nagpasalamat siya sa tatlo.

Pagkapasok niya sa banyo, napansin niyang wala ngang ipinagkaiba ang mga gamit sa mundong pinanggalingan nila.

Para ngang hindi siya umalis ng Manila.

Naghilamos siya, nagsipilyo gamit ang toothbrush na nakabalot pa.

Naalala niya ang mga magulang.

Kumusta na kaya sila?

Si Maricar, nakita nito ang paglisan niya.

Kumusta na kaya ang mga ito?

INABUTAN sila ng mag asawa ng nakabalot na pagkain.

"Almusal at pananghalian niyo. Makakarating kayo sa kaharian ng Lourz ng tanghali mamaya." ani Siera.

"Maraming maraming salamat. Tatanawin naming malaking utang na loob ang kabutihang ipinamapas niyo sa amin." ani Maia.

"Ihahatid namin kayo sa pier." ani Todor.

Naglakad sila sa tabing dagat papunta sa pier.

"Magkikita pa ba tayong muli?" tanong ni Todor nang malapit na sila sa pier.

Nakikita na nila ang bangkang naghihintay sa kanila.

Nakikita na nila ang bangkang naghihintay sa kanila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Huminto sila at humarap sa mag-asawa.

Ang mga bata naman ay nakahawak sa kamay ni Allie.

Hindi niya alam kung bakit gustong gusto nang mga ito ang humawak sa kaniya. Bagay na ikinatutuwa naman niya.

"Welcome na welcome po kayo sa aming kaharian. Sabihin niyo lang ang pangalan ko, ligtas kayong makakapunta sa amin."

"Salamat Princess Maia." sabay na sagot ng mag asawa.

Napatingin si Allie sa babae.

Tumingin rin ito sa kaniya.

Nagtatanong ang kaniyang mga mata.

Sumagot naman ito ng ngiti.

"Anak ako sa pangatlong asawa ng Hari. Hindi ganon ka special ang pagiging prinsesa ko." anito.

Wala namang naramdamang bitterness si Allie sa sagot ni Maia.

Ngumiti siya bilang pagsagot rito na naunawaan niya ang ibig nitong sabihin.

"Allie." hila ng bunsong anak na babae ng mga ito.

Nasa ikaladawang taon pa lamang ito.

Lumuhod si Allie para makaharap ito.

"Serri." aniya.

"Huwag ka nang umalis." anitong mangiyak ngiyak pa.

"Huwag ka nang umalis Allie." si Tor, ang pangalawa.

"Dito ka nalang sa amin." si Ester ang panganay.

Hindi siya nakikita ng mga ito ngunit ayaw na siyang pakawalan ng mga ito.

"Mga anak." tawag ng ama. "Kailangan na nilang umalis."

Yumakap sa kaniya ang tatlong bata.

Binuksan ni Allie ang connection sa inner souls ng mga ito.

Nakita niya ang pagmamahal ng mga ito sa mga magulang.

At ang dasal ng mga itong makakitang muli nang hindi na mahirapan ang mga magulang.

Tumulo ang kaniyang mga luha.

She can feel their pain and prayers for miracle.

She closed her eyes and touch their head,one by one.

Hindi niya nakikita ang liwanag na nagmula sa kaniyang palad.

Kasabay ng paglakas ng hangin, pinalid ang shawl na nakatakip sa kaniyang buhok.

At napahawak sa bibig ang mag asawa nang makita ang kaniyang buong mukha.

"Goddess Iona." bulalas ng dalawa.

Hindi napapansin ni Allie ang mga ito.

Abala siya sa paggamot sa mga bata.

Makalipas ang tila habang buhay na paghihintay, ngunit ilang minuto lamang, nagmulat siya ng mga mata.

Dalawang pares ng mga mata ang sumalubong sa kaniya.

"Allie." sambit ni Serri.

Ngumiti si Allie.

"Nakikita mo na ako?"

Tumango ito habang namumuo ang mga luha sa mga mata.

"Goddess Iona, maraming maraming salamat po."

Napatingin si Allie sa mga ito.

Kapwa na nakaluhod at  nakayuko sa buhangin.

"Goddess Iona?" nagtataka niyang tanong.

"Totoo nga ang propesiya. Muling magbabalik ang Goddess Iona nang mundong ito." ani Siera.

Tumayo si Allie at pinagmasdan ang tatlong bata na nakatingala sa kaniya.

Nakikita na siya ng mga ito.

"I'm not a Goddess." aniya. "I am simply an Alessandra Ocampo."

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now