𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟔

405 23 2
                                    

SAKAY ng kabayo, napatingin si Allie sa ulo ni Maia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


SAKAY ng kabayo, napatingin si Allie sa ulo ni Maia.

Nakahawak siya ng mahigpit sa beywang nito.

"First time mo?" tanong nito.

"Yeah." sagot niya.

Nauna sa kanila ng konti si Zenda.

"Maybe nagtataka ka, pero walang pinagkaiba ang mundo mo sa mundong ito. Sa pananamit, pamamahay, mga uri ng hayop,halaman."

"Alam ko, nakita ko sa imaheng pinakita mo sa bahay."

"Bago lumubog ang araw, nasa pier na tayo."

"Wala bang magic na puede tayong magteleport sa kung saan man tayo pupunta?" tanong niya.

"Kamakailan mo lang nadiskubre ang powers mo. Wala pa sa kakayahan mo ang isama kami ni Zen sa pagteleport."

Alam niya, nagbabakasali lang naman siya.

"Hindi ka ba komportableng yakap ako?"

Biglang natahimik ang dalaga.

"Ahh,no! Bakit naman ako maging hindi komportable?" aniya taliwas sa totoo niyang nararamdaman.

Hindi niya alam bakit mas lumalakas ang kabog ng kaniyang dibdib habang yakap ito sa beywang.

"Bukas ng umaga, nasa kaharian na tayo ng Lourz." ani Maia.

"Namimiss mo na ba ang pamilya mo?" tanong niya at nang hindi maramdaman ang kaba sa dibdib.

"Oo." sagot nito.

"You haven't told me about them."

"Kapag nakarating na tayo, ipapakilala kita sa kanila."

"Will they like me?"

Hinawakan ni Maia ang kaniyang kamay.

Allie felt that something again. It's inside her and yet she can't explain kung ano iyon.

That warm feeling that makes her dizzy.

"They already did My Princess."

"My Princess." ulit niya sa isipan.

She tried to smile trying to hide how loud her heart pounded, and the how the butterflies in her staomach fluttered.

"I can hear you heartbeat Allie. Are you okay?"

"Huh? Ahh yeah, yeah. I'm- i'm okay."

Normal bang makaramdam siya ng ganito?

"I can hear your thoughts too."

Namumula na ang kaniyang pisngi.

Hindi dahil sa init ng panahon,kundi sa nararamdamang hiya.

"Wala ka dapat ikahiya. Normal lang na nakaramdam ka ng ganyan since tayong dalawa ang nakatadhana."

"I'm curious about that." aniya.

"I will explain sa tamang panahon." sagot nito.


✬✬
✬✬✬
✬✬

NAKARATING sila sa pier nang palubog na ang araw.

Ngunit dismayado sila nang makitang wala man lang ni isang tao or bangka sa pier.

Ngunit dismayado sila nang makitang wala man lang ni isang tao or bangka sa pier

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Zenda.

"Maghanap muna tayo ng mapagtanungan." sagot ni Maia.

Pinasuot ni Maia sa kaniya ang shawl para takpan ang kaniyang ulo at nang hindi mapansin ang kaniyang buhok.

Dahil nga lahat ay magtataka kapag makita ang kulay ginto niyang buhok.

Iniwan nila ang dalawang nakataling kabayo sa isang poste sa tabing dagat saka naglakad para maghanap ng mapagtanungan.

"This place is so quite." puna ni Allie nang mapansing may mga bahay nga pero tila walang nakatira.

Napakatahimik ng paligid.

"Zenda, may nararamdaman ka ba?" tanong ni Maia sa kasama.

Umiling ito.

"Ano kayang nangyari sa lugar na ito?" tanong ni Allie.

Naglakad pa sila.

Tahimik ang paligid.

Sarado ang mga bintana at pintuan ng mga bahay.

Ilang sandali, nakarating sila sa isang bahay na gawa sa bato.

Iyon lamang ang bukod tanging may ilaw at bukas ang pintuan.

"Tao po!" sigaw ni Maia.

Walang sumagot.

"Tao po?" si Allie.

Isang lalaki ang lumabas.

Mahaba ang balbas at nakatali ang mahaba nitong buhok.

"Magandang gabi sa inyo. May itatanong sana kami." ani Maia rito.

Pinagmasdan sila ng lalaki, isa isa.

"Mga manlalakbay? Bukas pa ng umaga darating ang bangkang tumatawid sa kabilang kaharian." anito na tila alam agad kung ano ang itatanong nila.

"May puwede po ba kaming matuluyan ngayong gabi habang naghihintay?" tanong ni Zenda.

"Tanging ang tahanan ko lamang ang bukas. Pasok kayo at nang tayo ay makakain na."

Nagkatinginan sila.

"Huwag kayong mag-alala, hindi ako masamang tao." anang lalaki.

"Bakit po walang mga tao sa buong bayan na ito?"

Biglang nalungkot ang mukha nang lalaki.

"Lahat sila ay lumikas na. Natatakot sila sa balitang pagbabalik ng babaeng sisira sa mundong ito."

Nagkatinginan uli silang tatlo.

"Babaeng sisira sa mundong ito?" takang tanong ni Maia. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Pumasok muna kayo at gabi na. Tamang tama at nakapaghanda na ako ng hapunan."

Pumasok ito sa loob.

Wala silang magawa kundi ang sumunod rito.

Nagulat sila nang makitang hindi nag iisa ang lalaki.

May babae sa loob at tatlong bata, isang lalaki at dalawang babae.

"Pamilya ko." anang lalaki. "Si Siera, asawa ko." pakilala nito sa asawa.

Lumapit si Allie sa tatlong bata.

"Bakit wala silang mga mata?" gulat niyang tanong nang makita sa malapitan ang mga mukha ng mga ito.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now