𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟑

172 6 1
                                    

Pumayag ang reyna nang magpaalam kaming sasama kay Lloyd.

Nakabalik na siya sa palasyo after biglang naglaho. May mga kasunod kaming guards nang lumabas ng palasyo. Sakay nang magarang sasakyan, tuwang tuwa ang mga kasama ko habang sinasabi ni Lloyd ang iba pang magagandang tanawin sa ibang bahagi ng kaharian.

I can't tell them na hindi maganda ang pakiramdam ko. Nagising ako na wala na ang tiyahin ko. Nagsimulang sumakit ang ulo ko nang bumaba ako ng kama. I felt weak. Na parang may malaking nawala sa buong pagkatao ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano. But something inside me was missing. Like i'm not whole, i'm not Me.

Hindi ko sisirain ang kasiyahan nila. Kailangan kong makisama sa kanila nang hindi sila mag alala. But why do i feel that i'm forgetting something? What is it?

I touched the gold chain on my wrist. It looks different but i'm not sure. Hindi ko naman hinubad ang bracelet pero parang wala akong suot? I can see and feel it, pero parang wala akong suot?

"Wow, ang ganda."

Sa dagat, nagliliparan ang iba't ibang uri ng mga higanteng bulaklak. They were beautiful but i felt as if they are lifeless. Whats wrong with me?

Tumingin ako kay Maia. She doesn't seem to notice my feelings. We are not connected anymore.

Did i lose my powers?

Nakaramdam ako ng takot. Biglang nanginig ang buong kalamnan ko. I felt cold. Pero walang  nakapansin ni isa sa kanila and i'm thankful for that.

"Allie, nakausap mo na ba ang reyna tungkol sa lagusan?"

Nagulat pa ako sa biglang pagsalita ni Maia.

I can't read her mind. Nang hawakan ko siya sa kamay, i can't see anything from her past.

There was nothing.

Mas lalong namuo ang takot sa dibdib ko.

"Hindi pa. I'm still waiting for the perfect moment."

Hindi yan ang dahilan. Dahil ang totoo, nakalimutan ko. Everytime makaharap ko ang tiyahin ko, i forgot about our main purpose bakit kami nandito.

"Gusto mong samahan kita?"

Umiling ako.

"Mamaya, pagbalik natin sa palasyo. Kakausapin ko siya."

Hindi ako dapat makalimot.

Nakarating kami sa city, naki join sa parade nang mga taong kaniya kaniyang dala ng mga bulaklak. I stay close to them, habang itinatago ang nararamdaman kong lamig sa katawan.

Naglalakad kami, nagtatawanan ang mga kasama ko, nang maramdaman kong tila may nagmamasid sa akin.

Lumingon ako, tumingin sa kanan at kaliwa. Nagbabakasakaling makita kung sino ang sumusunod sa akin ng tingin.

Napahinto ako nang biglang may humawak sa laylayan ng suot kong damit.

I looked down to see a young child holding my dress so tight with her tiny hands.

"Princess Alessandra, tulungan po ninyo ako. Bulag po ang Papa ko. Gamutin niyo po siya."

Napatigil rin halos lahat ng naroon. Halos lahat ng pares ng mga mata ay sa akin nakatingin.

Lumuhod ako sa harap ng bata. Mga nasa limang taong gulang pa lamang siya. Madungis ang suot na damit at sapatos. Mamasa masa pa ang pisnging kagagaling lang sa pag iyak.

"Anong pangalan mo?" tanong ko na  nanginginig deep inside sa takot.

This child is asking me to help her, and i don't know if i can.

"Tulungan niyo po ang Papa ko. Sabi nila nakakagamot raw kayo ng bulag."

"Allie." tawag sa akin ni Maia. Tumingin ako kay Maia, hoping she could read my mind. I felt hopeless and powerless.

Isang guard ang lumapit para hatakin palayo ang bata.

"Please stop." agad kong pigil.

"Puntahan natin ang Papa mo." sabi ko sa bata, holding her tiny hand nang makiraan kami sa mga tao. Pero nakamasid parin sila sa amin, sa akin. Tila naghihintay kung ano ang gagawin ko.

Sa gilid ng kalsada, nakaupo ang isang lalaking bulag.

"Papa!" sigaw ng bata nang makita ito.

"Dera, anak. Saan ka ba nagpunta?"

Patakbong lumapit rito ang bata.

"Papa, nakita ko na ang prinsesa. Gagamutin ka niya Papa."

Akmang tatayo ang lalaki nang pigilan ko siya. Nang hawakan ko ang balikat niya, wala akong nakikita sa nakaraan niya.

"Ipagpaumanhin mo Your Highness ang inasal nang anak ko. Hindi niya alam ang ginagawa niya."

Napapalibutan na kami ng mga tao.

"Wala po yun."

"Princess Alessandra, gamutin niyo po ang Papa ko."

Tumingin uli ako kay Maia.

"Whats wrong?" tanong agad nito nang sa wakas ay mapansin ang takot sa mga mata ko.

"I think something is wrong with me." pag amin ko.

"Why? I can't read your mind Allie. Whats going on?"

"Hindi ko alam."

Pinigilan ko ang umiyak. Hindi nila ako puedeng makitang naduduwag at natatakot.

Pero biglang kinuha nang bata ang kamay ko at ipinatong sa ulo nang kaniyang ama.

Nagulat ako ngunit hindi makagalaw.

"Makikita na natin kung totoo ngang siya nga ang pag asa nang  buong kaharian." boses ng babae, isa sa mga nakapaligid sa amin.

Ni hindi ko napansin na nakalive sa tv screen ang bawat tagpong nagaganap sa mga sandaling iyon.

"Totoo kayang powerful siya?" boses ng isa pa.

"Baka hindi naman totoo. Si  Queen Lhara lang ang pinakapowerful sa buong mundo." anang isa.

"Wala pang nangyayari." sagot ng isa.

At wala ngang nangyayari. Walang ilaw or magic ang lumabas mula sa mga kamay ko.

I stood there motionless waiting to be humiliated.

Dahil ngayon alam na nila na i am a powerless Princess.



*✿❀❀✿*
Ano kayang nangyayari kay Allie? Mahulaan mo ba?

Miss A
🦋🦋🦋🦋🦋


𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon