𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟖

309 20 0
                                    

"Hey, are you okay?"

Lumingon si Maricar kay Rainier.

"I'm worried about her. Simula kahapon, hindi pa rin siya nagsasalita." sagot niya.

Bakas rin ang pag alala sa mukha ni Rainier.

"Me too. Pero hindi ko alam paano natin siya matulungan. I can't even imagine paano niya matatanggap ang nangyari."

Katahimikan.

"Are you scared of your sister?" biglang tanong ni Rainier.

Pati mga kasama nila sa loob ng sasakyan ay napalingon sa kanila.

Si Zen ang sumagot.

"She's very powerful, pero hindi siya nakakatakot. I would have done the same. At deserve nang mga halimaw na mga yun ang nangyari sa kanila. They killed almost everyone."

Puno ng galit ang boses ng babae.

"Kahit mga sanggol hindi nila pinatawad. Ginawa nilang pagkain para lang magmukha silang bata. Mas malala pa seguro ang gagawin ko sa mga halimaw na mga yun keysa sa ginawa ni Allie sa kanila." pagpapatuloy ni Zen.

"I'm not scared of Allie." sagot ni Maricar sa binata. "I'm just as worried as you."

Hinawakan ni Rainier ang kamay niya.

"I will be here for you."

Ngumiti si Maricar. Thankful na nasa tabi niya ang lalaki.

"Look!" biglang sigaw ni Kim nang mapatingin sa labas ng bintana.

Lahat sila napatingin sa labas.

"Ano yan?!" gulat na tanong ni Tam.

"It's a water snake." sagot ni Zen nang madaanan nila ang creature na lumalangoy sa tubig na nadaanan nila.

"Ang laki!" bulalas ni Maricar.

Ang kulay berdeng creature na tila humahabol sa mga ibong lumilipad sa ibabaw ng karagatan.

"Malapit na tayo sa Kaharian ng mga diwata." ani Zen.

"Diwata?" halos sagot nilang lahat.

"Yes,The Faerie Kingdom. We will stay for the night at bukas tayo magpapatuloy sa byahe."

꧁🦋🦋🦋🦋꧂


"This is amazing."

Yun ang unang salitang nabigkas ni Tam nang makapasok sa loob ng disco bar.

"Akala ko sa mga fairies maliliit, lumilipad. But look at them, they look like us." ani Maricar nang makaupo sila sa isang table.

"But you need to be careful with a faerie. They are quite mischievous." ani Zen.

Magkatabi sa upuan sina Maricar at Rainier.

"Will they harm us?" tanong ni Kim.

"No. They are friendly and sweet. But we still need to be careful with them." sagot ni Jhosie.

Biglang hinila ni Tam si Lloyd.

"Sayaw tayo Lloyd."

Natawa sila sa naging mukha ni Lloyd.

Pero hindi rin makahindi sa kakulitan ni Tammy.

"Bagay sila." komento ni Kim pagkaalis ng dalawa.

"Lloyd is a soldier. I'm sure he will protect your friend." ani Rollieh.

Nag order nang inumin si Zen.

Napansin ni Rainier ang katabi na malalim ang iniisip.

"She will be okay." aniya rito.

Tumingin sa kaniya si Maricar.

"Sana nga. Sobra akong nag-aalala sa kapatid ko. Hindi niya ginustong mangyari yun, at nasasaktan ako para sa kaniya."

"Hindi siya pababayaan ni Maia."

"You should be with her. Alam ko na matagal ka nang may gusto sa kapatid ko."

"Pero nakikita ko kung paano siya alagaan at ingatan ni Maia. Nakita ko rin paano tumingin at ngumiti si Allie kay Maia. Wala akong karapatang manghimasok sa namumuo nilang pagtitinginan sa isa't isa."

Pero hindi maipagkailang nasasaktan siya ngunit hindi naman siya manhid na hindi makita na masaya ito sa iba. At hindi rin siya manhid na hindi maramdaman ang pag-aalala sa kaniya ni Maricar.


꧁༺🦋🦋🦋🦋༻꧂

Tinanggap ni Tam ang inalok na alak ni Lloyd.

Napangiti siya nang malasahan ang alak.

"You like it?" tanong ni Lloyd.

"One more." tawa niya.

Ang nakangiting bartender ang nag abot sa kanilang dalawa ng dalawang shots ng inumin.

"Enjoy your night." anito na may kasamang ngiti na  makahulugan  bago nila inubos ang inumin.

Tam felt different. Parang ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Ilang segundo lang nag iba na ang nararamdaman niya.

"Are you okay?" tanong ni Lloyd sa kaniya.

"Nalasing yata agad ako."

"Ihahatid kita sa kwarto mo."

Tumango siya.

Hindi na sila nagpaalam pa sa mga kasama.

Sumakay sila ng elevator paakyat sa 15th floor ng building kung saan sila naka check in.

Nakaalalay na sa kaniya si Lloyd paglabas nila ng elevator.

"I felt light- headed too." ani Lloyd nang binubuksan nito ang sariling hotel room.

Nasa kay Kim ang key card ng room nila kaya hindi siya makapasok.

"Be careful."

Inalalayan ni Lloyd si Tam makapasok sa loob ng kwarto.

Isinara niya ang pinto habang nasa balikat niya nakahilig ang ulo ni Tam.

"I felt different." halos bulong ni Tammy

"Me too." sagot rin ni Lloyd.

Pero inalalayan parin ni Lloyd ang lalaki makahiga sa kama kahit na pareho silang lasing.

May something yata sa nainom nilang alak.

Nagulat siya nang hilahin bigla ni Tam.

Mula sa nanlalabong paningin, pinagmasdan niya ang makinis nitong mukha. Small lips, pointed nose. He looks like a girl.

He raised his fingers to his lips without any protest from him. Napatingin sa kaniya si Tam.

"Hmmm."

Yun lang ang lumabas mula sa bibig ni Tammy nang dampian ng halik mula sa mga labi ni Lloyd.

That simple kiss went deeper and deeper, hanggang sa malunod na sila sa mundong silang dalawa lang ang nakakaalam.

The faerie outside the door smiled.

Alam niya   whats happening inside the room.







𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now