𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟏

176 11 2
                                    

ALLIE:

Nagulat ako nang makita ko ang sariling mukha sa screen sa labas ng isang building. With a big 'Welcome home Princess Alessandra'.

The photo was taken last night sa dinner banquet. I was sitting beside my aunt, the Queen of Abel.

"Kailangan ba talagang makita nila ang pagmumukha ko?" tanong ko.

"Of course my love. You are the Princess of this Kingdom, they need to see you."

But i don't feel comfortable about it. I'm not even sure if i can stay here longer.

"Alessandra, you belong here. You don't need to go somewhere else aside from here. Abel Kingdom is your home now."

But my mission was to sent my sister and our friends back home. And maybe sasama sa kanila sa pag uwi?

Nang tumingin ako kay Maia, she doen't seem to read my mind.

"Maia?" tawag ko sa kaniya sa isipan. Pero walang response mula sa kaniya.

Bakit hindi ako makapag telepathy sa kaniya.

Naibalik ang atensyon ko sa tiyahin ko. Niyaya na kaming lahat pumasok sa isang restaurant. Pagpasok sa loob, kami lang ang tao.

"I want everyone to enjoy  breakfast before tayo maglibot sa buong city." anang reyna bago tumingin sa akin. "Princess Alessandra, can you sleep with me tonight? I want to spend more time with you my love."

Her loving smile warms my heart. Namiss ko sina mommy at daddy. I'm sure namiss na rin nila kami at marahil nag aalala kay Maricar sa bigla nitong pagkawala.

Ngumiti ako sa tiyahin ko.

"I'd love that Aunt Lhara."

Kumain kami, in-enjoy ang masarap na ibat ibang klase ng almusal, nagku kwentuhan. Walang tigil sa kakakwento ang reyna habang kasalo kaming lahat sa pagkain.

I didn't expect her to be this warm and kind. Akala ko kapag reyna ka nang isang kaharian, you'll be strict and cold. But not Queen Lhara. Nakikita ko sa kaniya ang aura ni Princess Ahmira, my mother. Kaya seguro malapit sila sa isa't isa dahil sa halos magkatulad nilang  personalidad.

Mula sa kinaroroonan namin, makikita  ang palasyo na nakapagitan sa amin ay dagat.

Ang gandang pagmasdan ngunit tila walang buhay.

"Allie?"

Napalingon ako kay Maia.

"Are you okay?"

Tumango ako. Ayaw kong sabihin sa kaniya na something doesn't felt right, me and this Kingdom. Dahil naguguluhan rin ako.

It looks beautiful and breathtaking, but i felt the emptiness. Hindi ko ma explain kung ano. I can't think of anything. Something is clouding my mind.

"I can't read your mind now. Are you sure okay ka lang?"

I smiled, trying to give her a reassuring smile.

"Maia, everything's fine. How about we try those hot apple pie? It looks delicious."

Gusto kong ituon ang pansin sa ibang bagay. Gusto kong alisin ang takot na unti unting namumuo sa puso at isip ko.

Pagkatapos naming mag almusal, sinamahan kami ng reyna sa paglilibot. Binabati kami ng bawat nilalang na makakasalubong namin.

Faeries.

Vampires.

Werewolves.

Dwarfs.

Crowded bawat sulok ng mga naglalakihang gusali. Kaniya kaniya ang bawat isa sa kung anuman ang ginagawa nila.

Bumabati sila sa reyna na puno nang paggalang at respeto. Bumabati rin sila sa akin pero hindi kasing init nang pagbati nila sa reyna.

Ano bang inaasahan ko? Banyaga ako sa mundong ito. Do they remember me as an outcast? The Princess who wasn't supposed to be born.

Did they still think i'm a curse?

Bumalik kami sa palasyo nang hapon na. Lahat at pagod ngunit masaya. Walang humpay sa kakakwento sa amin ang reyna.

Everyone loves the queen. Even my sister Maricar, nakikita ko sa mga mata niya ang paghanga sa reyna.

The Queen is nothing but perfection.

❀✿*❀✿*


I was sitting beside  my aunt in her bed. She's telling me about my mother's childhood memories.

"Do you miss my mother?" tanong ko sa kaniya.

"I do, always. And i can't forgive the Seer who lied to us."

Seer.

Naalala ko ang Seer na tinutukoy niya.

"We eliminate all Seers in the Kingdom after that accident."

"What happened? After ko nawala?"

Natahimik ang tiyahin ko bago sumagot.

"Umulan ng umulan. Umabot nang sampung taon na puro ulan. Bumabaha sa lahat ng bahagi ng mundo. Marami ang nawalan ng buhay. Sumunod naman ang tag init. It lasted fifteen years without a single drop of rain. Farmers can't plant, everyone was dying because of hunger.

Magic start to disappear. Sorcerers losing their powers. Faeries can't fly. Islands become deserts. And seventy  years ago, there was a dark magic na unti unting sumasakop sa bawat sulok ng kaharian. I tried everything to save Abel. I gathered all the wizards, and some surviving  sorcerers to help me build the walls around Abel. To save it from the curse.

And then one day, there was a Seer, a young one. Sinabi niya na kaya nangyayari ang mga kababalaghan sa buong  kaharian ay dahil sa wala ang sa mundong ito ang kaluluwa nang totoong tagapagmana ng trono. Hindi lang  nang kahariang ito, kundi ng buong mundo."

Tumingin sa akin ang tiyahin ko.

"You are the true ruler of the nine kingdoms Alessandra. Without you, this world will perish. The empire will die. And now that you are back, maibabalik na sa dati ang mundong ito."

Sinubukan kong tanggapin lahat nang mga sinabi ng tiyahin ko. Ngunit naguguluhan parin ako at hindi kumbinsido.

"I'm just a normal girl." sabi ko pagkaraan.

"I can't tell you now if you really are just a  normal girl Alessandra. Yan ang sabi nang Seer, na ikaw ang sagot para mailigtas ang mundong ito. At naghihintay rin ako nang sagot kung totoong ikaw nga ba ang nakatakdang mamuno sa aming lahat."

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon