𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟕

283 20 2
                                    

IPINIKIT ni Allie ang mga mata, hoping na magka idea kung nasaan si Tania

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

IPINIKIT ni Allie ang mga mata, hoping na magka idea kung nasaan si Tania.

Sinubukan niyang magteleport sa lugar kung saan sila unang nagkita. Ngunit wala ito. Ipinagtataka niya kung bakit wala ito.

May masama kayang nangyari rito?

Tinanong niya ang hari kung saan ang palasyong iniwan nito. At don nga ang kanilang sunod na pinuntahan.

Isang abandonadong palasyo ang kanilang naabutan. Napapalibutan ng mga halaman at damo ang paligid.

Nalugmok ang hari nang makita ang dating tahanan.

Lahat sila bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa loob ng palasyong pinag iwanan na nang panahon.

Ngunit laking gulat nila nang bigla silang harangin nang mga babaeng nakasuot ng kulay pula.

Ang hahaba ng mga buhok ng mga ito.

Napakaganda nang mga mukha na parang mga diwata.

"Anong ginagawa niyo rito?" tanong nang isang isa sa kanila. Ang boses nito ay umi-echo na nakakapanindig balahibo. Kakaiba sa awra ng mga mukha nito.

"Ako ang Hari nang kahariang ito. Sino kayo para sirain ang palasyo?" galit na sigaw nang Hari na nasa likuran niya.

"Matagal nang patay ang Hari. Yan ang sabi ng mga tao. Para makapag usap tayong maigi, tuloy kayo."

Inanyayahan sila nitong pumasok.

Napatakip nang ilong ang mga kasama nang umalingasaw ang masangsang na amoy.

"Oh God, ang sangsang ng amoy." sigaw ni Tam na sinang ayunan naman ng mga kasama.

Nang maisara ang malaking pintuan, nagtawanan ang mga babae.

"This is bad!" sambit ni Jhosieh.

"Girls, tinakot niyo ba ang mga bisita?"

Napatingin sila sa nagsalita mula sa itaas ng hagdan.

Tila nakalutang sa hangin ang babae nang ito ay pababa sa hagdan.

"Welcome everyone. Pagpasensyahan niyo na ang inasal ng mga kapatid ko. Please have a seat."

Itinuro nito ang isang malaking dining table sa gitna ng malawak na espasyo.

"We have our very special soup that can make you young again."

Ngunit ang nagpagimbal kay Allie ay ang makita ang nakapatong sa mesa.

"Tania!"

"Oh, kilala mo siya? My sister found her last night na umaaligid sa palasyo. She doesn't taste nice actually. But you can have a taste if you want."

Agad siyang hinila ni Maia sa likuran nito.

"Oh, it's a wolf. Sisters, what do you think about a wolf stew for dinner?"

"I want, i want!" tuwang tuwa pang sagot ng mga babaeng ngayon ay nakapalibot na sa kanila.

Ngunit punong puno nang galit ang puso ni Allie. Si Maia ang hinila niya paalis sa harapan niya at dahan dahang lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang putol na ulo ni Tania.

"Tania, i'm so sorry." aniya sabay nang pagtulo ng mga luha. Tania wanted justice for her child and to all the children they killed as their food to eat.

"Allie!" sigaw ni Maia nang makitang paunti unting lumalapit sa kania ang babaeng nakakanginig ng kalamnan ang presensya.

"Who are you?" curious nitong tanong habang tinitingnan siya.

"Hindi kita naaamoy. I don't know what are you."

Napapitlag siya nang hawakan nito ang balikat niya.

And that when she saw the woman's true form. Kung ano ito at kung ano ang mga nagawa nitong nakakagimbal.

Hinawakan niya ang kamay nito, with too much hatred in her heart.

She felt that fire within her again.

"Maia, kill them all!" sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ng kaharap niya nang makitang umuusok ang balat nitong hawak niya.

"What's going on? Who are you? Let me go! Let me go!" sigaw nito pero hindi niya ito binitawan.

Nilingon niya ang mga kasamang nakipagtunggali sa mga babaeng kasama nito.

"For the crimes you committed, i hereby sentence you to death!" aniyang punong puno nang galit at poot para sa mga ginawa nito sa mga tao, sa mga sanggol na pinatay ng mga ito at ginawang pagkain. At para kay Tania.

Ang lakas ng sigaw ng babae sa sobrang sakit nang hawakan niya ito sa leeg at bigla itong nagliyab.

Saka niya lamang ito binitawan nang ito ay abo na na lamang.

Lumingon siya sa mga kasama.

Ang mga kasamahan ng nilalang na pinaslang ay hindi makapaniwala sa nakita.

Nagtakbuhan ang mga ito papunta sa pintuan ngunit mabilis si Zen na harangin ang mga ito.

Inisip lamang ni Allie kung ano ang gagawin sa mga ito. At sa isang pitik ng  kaniyang daliri, biglang nagliyab ang pitong babae.

Walang maririnig sa loob kundi mga hiyaw at paghingi ng mga ito ng tulong.

Pero para kay Allie, hindi nila deserve ang humingi ng tulong.

Nang tuluyan nang naging abo ang lahat, saka siya lumabas agad at nagsusuka sa damuhan.

Hindi niya mapigilan ang mga luha.

Niyakap niya ang sarili.

"Allie." ani Maia nang lapitan siya.

Lumuhod ito sa tabi niya at niyakap niya.

"Sshhh, it's okay."

Wala siyang tigil sa pag-iyak.

"I'm a murderer."

"Shhhh, you're not a murderer. You brought justice for the souls of the victims."

But she can't stop crying.

Is this the prize for being the saviour of this Kingdom?

Paano niya mao-overcome ang guilt sa mga darating pang mga araw?

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now