𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟓

439 21 2
                                    

"UNDERGROUND CITY?" yun ang tanong ni Allie kay Pinunong Sanio nang makababa sila sa tirahan ng mga ito

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

"UNDERGROUND CITY?" yun ang tanong ni Allie kay Pinunong Sanio nang makababa sila sa tirahan ng mga ito.

"Tinawag na "Magic City" ang lugar na ito dahil sa kakaibang istraktura. Kapag araw, nasa higher ground at kapag gabi, nasa underground naman. Ngunit nang sinakop ng kadiliman ang bayang ito, nasa ilalim na kami ng lupa sa loob ng napakaraming taon. Hindi kami maaaring lumabas, dahil sa mga nilalang na gumagala.

Hindi rin namin maaaring patayin ang mga nilalang na yun dahil mga anak sila ng mga nakatira rito. Kaya nanatili kaming nasa ilalim ng lupa nagtatago at namumuhay sa kabila ng hirap at takot kung kami ba ay mamamatay sa gutom o sa kawalan ng pag asang makaalis sa aming pinagtataguan." mahabang kwento ng lalaki.

Biglang gumalaw ang lupa, at kitang kita ni Allie ang pagbukas nito at ang dahan dahang pagtaas ng kanilang kinatatayuan.

Mayamaya lang ay nasa itaas na nga makikita ang dating nakalubog na bayan.

Hindi bayan,kundi lungsod.

"Amazing!" buong paghanga niyang sambit nang makita mula sa kinatatayuan ang kabuuan nang tinawag na Magic City.

Hindi na puro buhangin ang nakikita niya, kundi mga naglalakihang mga gusali, mga bahay na gawa sa bato, at isang palasyo.

Palasyong ang desisyo ay katulad ng mga nasa Arab countries.

"It's so beautiful." aniya.

"Maraming salamat po Mahal na Prinsesa sa inyong pagdating." anang lalaki.

Ngumiti ang dalaga.

"Allie."

Lumingon siya kay Maia.

"Kailangan na nating umalis." anito.

"Saan ba ang punta niyo?" tanong ng pinuno.

"Lourz Kingdom." sagot ni Maia.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz