𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟒

758 37 0
                                    

SABADO NG UMAGA NANG UMALIS ANG MGA MAGULANG

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SABADO NG UMAGA NANG UMALIS ANG MGA MAGULANG.

Si Maricar, ang unang ginawa ay ang tawagan ang mga kaibigan nito para mag-mall.

At dahil alam nitong bawal gabihin, isinama nito si Mang Leo bilang driver/chaperone nito at ng mga kaibigan.

Si Allie naman ay nasa bahay lamang. Inayos niya ang mga daisies sa garden , tumulong sa paglilinis ng buong bahay.

Sa lunch time, masaya niyang kasalo sa pagkain si Yaya Margie at Agnes ( isa pang katulong).

Nang matapos sa pananghalian, makapaglinis ng mesa at mga pinagkainan, sa sala sila nagpalipas ng hapon habang nanonood ng drama sa tv.

Natatawa si Allie dahil halos maubos ni Agnes ang isang box ng tissue paper.

Gumawa ng meryenda si Yaya Margie para sa kanila at tuloy na naman sa panonood.

Dakong takip silim nang dumating sina Mang Leo at Maricar.

Nag utos agad ng juice ang huli kay Agnes saka umakyat sa kwarto nito bitbit ang mga pinamili.

Marahil ay sa laptop na naman ito magpapalipas ng oras hanggang hapunan.

Lumabas sa garahe si Allie para batiin si Mang Leo. Inabutan niya ito ng malamig na tubig.

Ang tila mainit nitong ulo ay agad nalamigan nang iabot niya ang baso ng malamig na tubig.

"Salamat Allie." anito sabay inom ng tubig. Ubos agad nito ang laman ng baso.

"Gusto niyo pa ng dagdag Tay Leo?" tanong ng dalaga rito.

Umiling ito.

"Salamat Allie. Mabuti ka pa, di mo makalimutang mag abot ng tubig. Yung kapatid mo na madalas pumapagod sa akin, ni minsan di man lang nagpakita ng concern."

Tumawa ito.

"Concern, english yun ah." anito na natawa rin ang dalaga.

"Magpi pizza kami Tay. Sabay na po tayong maghapunan ha?"

"Ay syempre oo."

Nagpaalam na rito ang dalaga at bumalik sa loob ng bahay.

.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.

NAKASIMANGOT agad si Maricar nang makitang nasa sala si Allie kasama ang dalawang katulong nila at driver.

Masayang nanonood ng pelikula ang mga ito habang pinagsasaluhan ang tatlong box ng pizza.

"Where is my dinner?" tanong niyang pasigaw.

Napalingon si Yaya Margie.

"Nasa mesa, nakahanda na sa tray." anito.

"Pakiakyat sa itaas." utos niya.

"Busy kami hija. Iakyat mo nalang."

Inis na nagmartsa ang dalaga sa sala ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.

"Urggh!"

Wala siyang magawa kundi ang pumunta sa dining room at binuhat ang tray na may dalawang slice ng pizza at one can ng diet coke.

Napangiti na siya.

Paborito niya ang pizza.

Hindi na siya lumingon pa sa mga tao sa sala nang umakyat sa itaas.

Hindi niya alam kung bakit malapit si Allie sa mga ito. Naisip niya na dahil wala silang alam sa pinagmulan nito at maharil ay mahirap na mahirap ang pamilya nito kaya ito iniwan na lamang sa pintuan ng bahay nila.

Alam niyang ampon lang si Allie.

Narinig niya mismo sa mga magulang nang mag usap ang mga ito at hindi namalayang nakikinig siya.

Naawa siya sa kapatid kapag naiisip niya na mismong mga magulang nito ay ayaw itong kilalanin. Ngunit naiinis rin siya dahil ampon lang ito, ngunit mas kinakampihan ito ng mga magulang.

Bukod sa maganda, matalino, ang dami nitong kasundo mahirap man o mayaman, bata man o matanda. At totoong mga nagmamahal rito.

Samantalang siya, puro fake ang mga kaibigan niya. Kung hindi dahil sa madalas niyang panglilibre sa mga ito, hindi rin mananatili ang mga ito sa side niya kung siya ay isang anak mahirap lang.

Nagseselos siya kay Allie.

Mula pagkabata, nararamdaman niyang mahal na mahal ito ng mga magulang niya. Lagi siyang ikinukumpara rito, at sumasama lagi ang loob niya dahil alam niyang totoong malayo at malaki ang ipinagkaiba niya kay Allie.

Hindi siya matalino katulad nito.

Hindi rin siya kasing ganda nito.

Wala siyang buhok na kasing kulay ng araw, katulad ng kulay ng mga mata nito.

Wala siyang balat na kasing puti at kasing kinis tulad nito.

Kaya nga naiinis siya rito dahil nagseselos siya sa anong meron ito na wala siya.

Minsan naisip niya na sana siya na lamang ang natagpuan sa labas ng pintuan ng bahay nila.

Nang sana ay naging katulad rin siya nito sa lahat ng bagay. Alam niyang napaka stupida nang mga nasa isip niya ngunit hindi niya maiwasan.

Hindi niya alam paano ikontrol ang nararamdamang inggit, kaya lalong bumibigat ang loob niya para dito.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon