𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟐

596 32 1
                                    

"MAIA?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"MAIA?"

Tawag niya sa pangalan ng babae sa isipan lamang.

Sasagot kaya ito? Maririnig parin kaya siya nito kahit hindi niya ito kaharap?

"Bakit? Anong nangyari?"

Nagulat pa siya sa biglang pagsagot nito.

"Tila nag aapoy ako. Nasunog ko pa yata ang balat ni Rainier." aniyang hindi malaman ang gagawin.

Gulong gulo na siya.

"Allie, pag aralan mong kontrolin ang sarili mo. Ikalma mo ang sarili mo. Magkakagulo ang lahat kung bigla ka na lamang bubuga ng apoy."

Hindi niya alam kung nagbibiro ito sa huling sinabi.

"Iyan nga ang gusto kong gawin." aniya.

"Nasa labas ako ng campus, antayin kita. May makakatulong sa iyo para mabawas bawasan yang nararamdaman mo."

"I will be there."

Gulat na gulat na naman siya nang matagpuan ang sarili sa harap ni Maia.

"Anong nangyari?" nanlalaki ang mga matang tanong niya rito.

"You can teleport." excited nitong turan.

Well hindi siya natutuwa.

"Marami ka pa palang mga kayang gawin Allie, higit pa sa mga inakala namin. Telepathy, teleportation. Seer ka rin ba?"

"What the hell are you talking about? Anong Seer pinagsasabi mo?"

"Seer is someone who can see the future."

Umiling siya.

But she did saw someone's past, or was that the past? Hindi niya alam. Masakit na ang ulo niya kakaisip sa mga pangyayaring ito sa katawan niya.

"This is not me anymore. Hindi na ako normal. Hindi ko alam anong gagawin ko."

"Sumunod ka sa akin."

"Saan?"

"May ipapakilala ako sayo."

"Sino?"

"Ang kasama ko mula sa mundo natin. Ngunit ilang linggo palang siyang naririto."

"Kauri ko rin?" tanong niya.

Tumitig sa kaniya si Maia.

"Wala kang kauri Allie. Nag iisa ka lang."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

PUMASOK sa isang apartment si Maia at kasunod si Allie.

Nang bigla na lamang nataranta ang una at dali daling pumasok sa loob ng isang silid.

"Zenda! Zenda!"

Isang babae ang nanginginig at namumutla ang naabutan nila. Yakap yakap nito ang sarili sa ilalim ng mesa.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now