𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟐

357 19 0
                                    

PUMASOK ang lola ni Allie sa loob ng kwarto.

Kasama ang iba pang healers.

Sinuri nang mga ito ang kondisyon ni Rainier.

"He is completely healed. This is a miracle." bulalas ng isang healer.

Lumapit sa kaniya ang lola.

"Alessandra, can you save them all?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga pasyenteng nasa hospital rin.

Tumango ang dalaga.

Sinamahan siya ni Maia nang sumunod siya rito.

In-isa isa nila lahat ng kwarto.

Tulad nang ginawa niya kay Rainier, pinagaling niya ang mga ito. At kasama rin nila lagi ang Grim Reaper na siya lamang ang nakakakita rito.

Habang pinagmamasdan niya ang mga masasayang mukha ng mga ito at ng mga pamilya, gumagaan ang kaniyang pakiramdam kahit na sobrang bigat sa dibdib sa tuwing may mga munting anghel siyang inihahatid sa kabilang buhay.

Napakasamang tao nang may gawa nito sa mga sanggol.

Naisip niyang gawin rin sa may sala ang ginawa niya sa Prime Minister.

Pagkatapos nila sa hospital, nagtungo ang dalaga sa labas ng palasyo.

Hindi niya isinama si Maia dahil baka mapahamak ito.

Bawat itim na usok na makita niya ay kusa agad lumalapit sa kaniya.

Habang kasunod niya ang Grim Reaper, isa isa niyang pinabalik sa dating anyo ang mga sanggol.

"Anong magandang gawin sa mga taong may gawa nito sa kanila?" tanong niya sa babae.

"Death! A very painful one." sagot nito agad.

"Bakit nga ba ako lang ang nakakakita sayo?" tanong niya rito.

"Grim Reapers are not visible to normal eyes."

Napalingon rito ni Allie.

"How many people can see you?"

"Pinipili lang, Your Highness."

Napatango siya at hindi na siya nagtanong pa.

Kailangan niyang matulungang maitawid sa kabilang buhay ang mga kaluluwa ng mga sanggol.

At kailangan niyang ibalik sa kanilang mundo sina Maricar. Hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa kapatid at mapahamak muli si Rainier or sinuman sa mga ito.

"Meron pa ba?" tanong niya sa Grim Reaper na siyang naging guide niya sa pag-ikot kung nasaan ang mga kaluluwang nagkalat sa buong syudad.

"Wala na." sagot nito.

Nagyuko ito ng ulo.

"See you soon Your Highness." anito.

"Sa tuwing may mamamatay ba, makikita kita?" tanong niya rito.

Tumango ito.

"Hindi ba puedeng wala nang masayang na buhay? Mabigat sa dibdib itong ginagawa ko."

"Sadya lang maraming masasamang nilalang ang naglipana sa mundong ito Your Highness. Sana, maibalik niyong mapayapa ang mundong ito."

Napabuntung hininga ang dalaga.

"Hindi ko alam saan ako magsisimula." pag amin niya.

"Sa bagay na yan, wala akong maitutulong. Kailangan ko nang magpaalam sa inyo Your Highness."

Tumango ang dalaga.

Yumukong muli bilang paggalang ang babae bago ito naglaho.

Tiningnan niya ang paligid.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now