𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟕

169 7 0
                                    

MULA sa kinaroroonan  ko, rinig na rinig ko ang sigaw sa kabilang bahagi ng piitan. Hindi ko nakikita ang mga nasa kabila pero naririnig ko ang  bawat sigaw at hiyaw.

Maia was crying out in pain and i felt my heart was being torn apart.

"Maia!" sigaw ko.  Ngunit tila walang silbi ang pagsigaw ko dahil hindi ako nito naririnig.

Umiiyak na ako. Wala akong magawa para tulungan si Maia. Napakawalang kwenta ko dahil hindi ko man lang magawang pigilan ang ginagawang pag torture sa kaniya. Ganito pala ang pakiramdam nang walang kapangyarihan.

I wish i still have my powers.

Natigil ang pagsigaw ni Maia ngunit ang kasunod kong naririnig ay mga sigaw naman nina Rollieh at Jhosie.

Oh God, kung may Diyos man sa mundong ito please help me.

Akala ko hindi na matatapos ang pagtorture nila sa mag-asawa. Ano ba ang ginagawa nila sa kanila? Bakit kailangan nilang gawin to?

Hindi ko alam na sa kakaiyak ko, nawalan rin ako ng malay. Nagising na lamang ako na may humahaplos sa pisngi ko.

"Maia?" ang una kong naisip. Napangiti ako nang dinadama ang bawat haplos.

"You are so beautiful my love."

Napamulat ako ng mga mata sa narinig na boses ng lalaki. Saka agad agad lumayo mula sa haplos ng lalaki. Napangiwi ako nang maramdaman ang biglang pagsakit nang leeg ko. Saka ko naalalang may kadenang nakatali sa leeg ko.

Pinagmasdan akong maigi nang mga matang walang emosyon.

"You look like her but you are not her. Is it because you can't remember me?"

"I don't want to remember you."

Tumawa ito.

"Alessandra, you really are something. I like this fierce side of you. I hate your soft and gentle side when you were still my Iona. Oh wait, you were my Keia too. Muntik ko na makalimutan."

Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya.

"But sadly my love, i hate you so much that i can't wait to kill you again."

Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Who are you? Why are you doing this to me and my friends?"

Tumawa uli ito. Tawang punong puno ng kasamaan.

"Dahil gusto kong nakikita kang nasasaktan. Ganti ko sa ginawa mo sa akin."

"Hindi kita kilala. Wala akong matandaang may ginawa akong masama sa'yo."

"When you remember your past, you'll know the reason why i'm doing this. Habang hindi mo pa naalala ang mga kasalanan mo sa akin, i will let you hear your friends scream. Pinapahinga ko pa ang little wolf lover mo. Isusunod ko ba ang kapatid mo?"

"No! Please no. Parang awa mo huwag ang kapatid ko."

Napaluhod akong bigla sa harap niya.

"Oh my, this is unexpected. Dahil ba wala kang kapangyarihan? Sana noon mo pa ginawa ang lumuhod sa harapan ko."

"Please, parang awa mo na. Ako nalang ang saktan mo, huwag ang mga kasama ko. Huwag ang kapatid ko, please. Nagmamakaawa ako."

Hindi ko kayang marinig na masasaktan si Maricar. Hindi deserve ng kapatid ko na danasin ang hirap dahil lang sa kapatid ko siya. Hindi niya kasalanan ang mapunta sa mundong ito.

"Thats it my love. Your friends life in  exchange for your life. Darating tayo sa sandaling yan. But i want you to suffer more. It delighted me to see you so hopeless, crying while begging. I want to see you suffer a little bit more. And i will show you how i'm gonna torture your friends, your sister and that useless soulmate of yours."

Wala akong pakialam kung paano ako nagmamakaawa sa kaniya. I'm willing to sacrifice my life mailigtas lang ang kapatid ko, si Maia at ang mga kasama namin.

Iniwan ako ni Lord Ehann habang panay ang sigaw sa kaniya na maawa siya sa mga kasama ko. Ngunit tumatawa lamang ito sa bawat pagmamakaawa ko.

Ginawa niyang katatawanan ang pighating nararamdaman ko. Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya maalala. I felt i know him, but i can't remember where or how did i know him.

I wish someone would come and explain to me whats going on. Hindi ko alam kung sino ang hihingan ko ng tulong.

My grandmother? Or baka nakarating na rin sa kaniya ang balitang hindi ako ang totoong anak ni Princess Ahmira. Naniwala rin kaya siya?

I saw my mother, i bonded with her in my dream. I am her daughter. Kaya sino ang babaeng nagpakilalang anak niya? Parte ba sa masamang balak ni Lord Ehann?

Siya ang may pakana sa lahat ng ito.

"Mother, i don't know what to do. Please help me."

I cried and i cried. Praying for someone to help us escape. What happened to the young Seer? Did she escape? Is she with us in this dungeon?

How about Lloyd. Naalala ko ang galit na pagsigaw ni Tam sa pangalan niya.

Anong nangyari habang wala akong malay?

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now