𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏𝟒

501 30 0
                                    

KINAGABIHAN, sa harap ng hapag kainan, hindi nagpapahalatang kinakabahan si Allie

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KINAGABIHAN, sa harap ng hapag kainan, hindi nagpapahalatang kinakabahan si Allie.

Masayang nag uusap sa gitna ng mga pagsubo ang ama at ina. Si Maricar naman ay nakikisali minsan sa usapan, na dati rati ay hindi nito ginagawa.

Tinanggal niya muna ang bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Mom, Dad, may sasabihin po sana ako sa inyo."

Napatingin sa kaniya ang mag asawa.

"Something's wrong anak?" concern na tanong ng ina.

"Yes Mom. Everything is wrong about me."

Maging si Maricar ay nagtataka rin sa sinabi niya at naguguluhan sa ibig niyang sabihin.

"I have super powers." aniya.

Hinintay niyang tumawa ang mga ito.

Ngunit pagkabahala ang nakikita niya sa mga mukha ng mga magulang.

"Will you believe me kung sasabihin kong napaso ko ang balat ni Rainier? And i can heal it too. I can teleport from any place i want just by thinking about it. And i can read your minds."

Nabitawan ng ina ang hawak na kubyertos.

"Allie, anak, are you okay? Hindi ka ba may dinaramdam lamang? Baka dahil ito sa aksidente kaya ___."

Hinawakan niya ang baso ng tubig.

Nagconcentrate siya sa tubig na gusto niyang uminit.

"OMG!" bulalas. I Maricar nang makitang kumukulo ang tubig sa basong hawak niya.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now