𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟒

403 23 0
                                    


Nakatitig si Allie sa mga taong isa isang nagsilabasan mula sa nakabukas na lagusan.

Hindi makapaniwala ang mga ito sa nakikitang pagsikat ng araw sa langit.

At ganun nalang ang pagkagulat ng isang babae nang makita ang batang lalaki.

"Nolan?"

Hindi makapaniwala ang babae.

"Mama!" iyak agad ng batang lalaki.

Patakbo itong lumapit sa ina.

"Nolan ,anak ko." iyak rin ng babae nang yakapin ng mahigpit ang batang lalaki.

Napatingin si Allie nang isa isang nagyakapan ang mga mag pamilya at ang mga batang kani kanina lamang ay nakakatakot ang mga anyo.

"Anong nangyayari?" tanong niya kay Maia.

"Ito ang tinatawag naming Ghost Town. Dahil isang ara, bigla nalang naglaho ang lugar na ito. Sinakop ng kadiliman. At ang mga bata, kapag nakalanghap ng usok, naging halimaw ang kanilang anyo."

Nagimbal sa nalaman si Allie.

"At ikaw lamang ang nakapagpabalik sa dati nilang anyo." ani Zenda.

Hindi niya alam paano.

She felt their pain,their cries for help.

She didn't even knew na kaya niyang pagalingin ang mga ito.

"You cured this town Allie. You really are The One." ani Maia.

Lumapit sa kanila ang isang lalaki.

Sa kaniya ito nakatingin. Saka biglang lumuhod at nagyuko ng ulo.

"Maraming salamat." anito.

Nagsunuran ang mga kasama nito.

"Maraming salamat." chorus ng lahat.

Nagsalita si Maia.

"Siya si Alessandra, anak ng yumaong Prinsesa Ahmira."

Narinig niya ang gulat na bulalas ng mga ito.

"The Dragon Princess!" sambit ng isa.

"Prinsesang nakasaad sa propesiya na magliligtas sa mundong ito." sigaw ng isa.

Muli, nagbigay ng paggalang ang mga ito sa pamamagitan ng pagluhod at pagyuko ng ulo.

"Maligayang pagbabalik Princess Alessandra."

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now