𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓𝟔

230 15 0
                                    

Hindi nagsasalita si Kim habang nasa loob sila ng tent. Ni hindi nito ginalaw ang pagkaing hinanda ni Jhosie para rito.

Hawak hawak nito ang perlas na pendant ng suot nitong kwentas.

Pagkaraan ay bigla nalang itong umiiyak.

Inalalayan naman ito  nina Maricar at Rainier. Sinisiguro ng mga ito na may mga kaibigan parin si Kim na handang damayan siya sa kaniyang pagdurusa.

"She is not dead." biglang sabi ni Allie. Halos sabay napatingin sa kaniya ang lahat.

"I can still feel her soul inside the pearl." aniya.

Si Kim, lumapit agad sa kaniya.

"So may chance na babalik pa siya? Katulad sa mga fantasy dramang napapanood sa tv?" tanong nitong biglang nabuhayan ng loob.

"Hindi ko alam Kim. Basta ang alam ko, buhay pa siya."

Nanlumo uli ang babae.

Hinawakan ni Allie ang kamay nito. She can really feel gaano kahalaga si Merideth kay Kim. Hindi niya pinanood ang past nito, at mga moments nito with Merideth.

"She will always be with you now Kim. Ingatan mo ang perlas na suot mo. I don't know how, but napi-feel kong she will come back to us."

Lumapit si Maia sa kaniya.

"Kailangan mo ring magpahinga." anito.

Tumango siya. Bumalik si Kim sa tabi ni Maricar at Rainier.

Si Allie naman ay tinabihan ni Maia.

Pumikit si Allie nang humilig sa balikat ni Maia. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod.

Hinawakan ni Maia ang kamay niya at marahang pinisil.

Nakatulog sa ganong posisyon si Alessandra.

꧁༺🦋༻꧂

SA PAGSIKAT ng araw, nasa byahe na sila para ipagpatuloy ang paglalakbay papunta sa destinasyon.

Huminto sila sa isang maliit na village kung saan nagpalipas sila ng gabi.

Sa isang maliit na guest house sila nagpalipas ng gabi. Si Jhosie at Rollieh  ang nag asikaso ng kanilang hapunan.

Lahat sila ay tahimik at tila may kaniya kaniyang iniisip. Marahil dahil sa nangyari kay Merideth kaya apektado ang lahat.

Kinausap ni Allie si Maia habang inaantay ang mga kasama na matapos kumain.

"I want to see the image of Abel Kingdom." aniya rito.

"Thirty years akong nawala, hindi ako segurado kung ganun parin ang imahe ng kaharian." sagot nito.

Hindi rin siya pupuedeng basta nalang magteleport sa lugar na hindi niya pa nakita.

"We can ask Jhosieh."

Siya namang paglabas ni Jhosieh mula sa dining room.

"Jho, kelan ka huling nakapunta sa Abel?" tanong ni Maia rito.

"Last year." sagot nito. Kasunod nito ang asawang si Rollieh nang maupo sa harap nila.

"I need to see the image of the place. Mas mapadali sa atin ang paglalakbay kung magti- teleport nalang tayo."

"Pero iba ang Kingdom of Abel." si Rollieh.

"Why?" tanong ni Allie.

"Marami ang lumilipat sa kaharian ang Abel dahil sa proteksyon na nakapaligid sa buong kaharian. Kung dumadanas ng tagtuyo ang buong mundo, ang Abel ay hindi. Kung naglipana ang mga masasamang elemento na sumasakop at pumapatay, sa Abel ay ligtas ang lahat."

Napakunot noo si Alessandra.

"You mean my aunt is very powerful?" tanong niya kay Rollieh.

"Your mother was the most powerful  in the whole world. Your aunt wasn't that powerful. But she reign in peace and prosperity. And something so powerful is protecting the Kingdom. Walang nakakaalam kung ano, wala ring nagtatanong dahil kuntento na ang lahat na ligtas sila."

Tumingin siya kay Jhosie.

"Give me your hand. But before that, ang tanging isipin mo ay ang lugar kung saan tayo puedeng magteleport." aniya rito.

"Outside the gate." anito nang iabot sa kaniya ang kamay nito.

Hinawakan niya ang kamay nito.

At malinaw ang imaheng nakita niya sa isipan nito.

Binitawan niya ang kamay nito.

"Iiwan natin ang mga sasakyan rito." aniya pagkakuwan.

Pero naisip niya ang mangyayari bukas. Ano ang magiging reaksyon ng kapatid ng ina kapag nakita siya?

"Segurado akong matutuwa ang tiyahin mo Allie. Isa siya sa mga taong gusto kang bumalik sa mundong ito bago ako umalis para hanapin ka. Wala kang dapat ipag alala. Tatanggapin ka niya ng buong buo." ani Maia nang mabasa ang agam agam niya.

Ngumiti si Allie rito.

Nagpasalamat siya na nasa tabi niya palagi si Maia.

Bukas, muli siyang aapak sa kaharian kung saan siya isinilang. At sa kung saan pumanaw ang kaniyang ina.

Inalis niya agad sa isipan ang mga pumasok na imahe ng ina. Hindi oras para sa galit niya. Kailangan niya munang maibalik sa mundo nila ang kapatid at mga kasama.

Kaligtasan muna ng mga ito ang iisipin niya.




𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now