𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟎

359 21 0
                                    

"ALLIE!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"ALLIE!"

Yun ang huling narinig ni Alessandra bago siya naglaho.

Sa muling pagmulat ng mga mata, nasa isang alley siya at napapalibutan ng mga bahay na gawa sa kahoy na  walang katao tao.

Hindi ito ang nakita niya kanina.

Ngunit sinalubong siy nang mga itim na usok. Papalapit ang mga ito sa kaniya.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Hanggang sa halos paligiran na siya.

Hindi dumadapo sa kaniya na para bang may sariling isip.

Nakita na naman niya ang tila hugis mga kamay na parte ng itim na usok.

"What are you?" tanong niya.

Nang hawakan niya ang tila maliit na mga kamay, nagimbal siya sa nakitang imahe.

Mga sanggol, ginawang karne.

Nasuka siya sa nakita.

Biglang nawala ang nakitang imahe sa isipan.

Hindi siya makapaniwala sa nakita.

Isang babae ang biglang lumabas sa isang bahay.

Nakasuot ito ng mahabang damit na kulay itim.

"Sino ka?" tanong nito nang nasa harap na niya.

Pinunasan ni Allie ang bibig.

God, she need a washroom.

"Alessandra." sagot niya.

"Bakit hindi ka tinablan ng maitim na mahika?" takang tanong nito nang makitang walang nangyari sa kaniya pagkatapos mahawakan ng itim na usok.

"Hindi ko alam. Pero nakakasuka ang nakita ko. What is this place?"

Tinitigan siya nitong maigi.

"Hindi ka tagarito. At ang iyong buhok, kulay ginto. Sino ka? Sang kaharian ka nagmula?"

"Kingdom of Lourz." sagot niya.

"Paano kang napunta rito?"

"Bakit, anong lugar ba ito?"

"Kingdom of Maru."

"Maru Kingdom? Gaano kalayo sa Lourz Kingdom?"

"Isang araw na byahe."

Nanlaki ang mga mata ni Allie.

"Inisip ko lang ang mga nakita ko kanina. Ang mga itim na usok. Hindi mo akalain na dadalhin ako sa lugar na ito. This is the first time na naparito ako, kaya ako nagtataka paano akong napunta rito."

"You have magic in you." anito. "Dinala ka ng mga itim na usok sa kahariang ito. Pero bakit? Anong meron ka?"

"Alessandra ang pangalan ko. Ikaw?"

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now