𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕𝟓

373 9 2
                                    

Nanatili sa Lourz Kingdom si Alessandra hanggang sa maihatid sa kaniyang himlayan si Maia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanatili sa Lourz Kingdom si Alessandra hanggang sa maihatid sa kaniyang himlayan si Maia.

Mas minabuti niyang isama sa Abel si Karol para makita nitong muli ang dating kaharian.

"Sasama ako Your Majesty."

Napatingin si Alessandra kay Zen.

"I will stay by your side Your Majesty. Ipinangako ko sa puntod ni Maia na hindi kita iiwan."

Pumayag si Alessandra sa hiling nito. Bumalik silang tatlo sa Abel Kingdom.

Nagulat na lamang si Queen Lhara nang bigla silang lumitaw sa throne room habang abala ito sa pakikipagpulong sa mga ministers.

Napatayo ang lahat at agad nagyuko ng ulo nang makilala si Alessandra.

"Your Majesty Empress Alessandra."

Naglakad si Alessandra papunta sa tronong inuupuan ni Queen Lhara. Nagkukumahog sa pagtayo ang reyna mula sa upuan para ibigay sa kaniya ang trono.

"Mother!" bulalas nito nang lumapit sa ina.

Nagyakap ang dalawa saglit bago sabay na nagyuko nang ulo bilang paggalang sa Dyosang nakaupo sa trono.

Pinatayo ni Alessandra si Zen sa tabi niya.

"Kung sinuman ang mga kakampi ni Ehann, magsalita na at humarap sa akin." salita ni Alessandra sa buong konseho.

Walang sinuman ang nagsalita.

Mula sa kamay ni Alessandra,lumabas ang kulay dilaw na enerhiya.

"Nakita niyo sa labas ng palasyo si Ehann. Gusto niyo bang matulad sa kaniya?"

Pinaikot niya sa mga myembro ng konseho ang enerhiyang makapagtulak sa mga ito para magsabi ng totoo.

Apat sa kanila ang ginapos ng enerhiya.

"Throw them in the dungeon." utos ni Alessandra sa mga guards bago tumayo.

Nagsisigaw ng pagmamakaawa ang apat na myembro ng konseho.

Lumapit si Alessandra sa mga ito, isa isa.

"Everyone in this Kingdom was deceived by Ehann. Their mind was manipulated. But not the four of you. You are directly under Ehann's command. Just like his brother Lloyd. I wonder how many did you kill just to be here?"

Inisa isa niya ang paghawak sa mga noo ng mga ito. Nagpupumiglas ang apat ngunit dahil sa pagkakagapos nang enerhiya ay wala silang magawa.

Tiningnan ni Alessandra ang mga kasalanang nagawa ng mga ito. Para alam niya kung anong kaparusahan ang ihahatol niya sa mga ito.

Sumenyas siya sa mga guards na dalhin na ang apat.

"Former Queen Karol will be part of the council now." anunsyo niya. "Look for every damage in the Kingdom and report to Queen Lhara. Help everyone in need and start working now."

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon