𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐

1K 47 0
                                    

NANG nasa loob na nang sasakyan si Maricar, ni hindi man lang ito bumati kay Mang Leo, make up agad ang una nitong pinagtuunan ng pansin.

Nagkatinginan sina Allie at Mang Leo, saka sabay na napailing.

Habang nasa biyahe, silang dalawa lang ang panay kwentuhan at tawanan. Dedma lang ang nasa backseat.

Pagdating nila sa school, naunang bumaba si Maricar. Naghihintay ang mga kaibigan nito sa labas ng gate.

"Bye Tay Leo. Ingat po kayo sa pagmamaneho."

Ngumiti ang lalaki.

"Salamat Allie. Ikaw rin, pagbutihin ang pag aaral. Huwag tumulad sa kapatid mo."

"Opo Tay Leo."

Nang papasok sa siya sa gate, hindi man lamang siya pinansin ng kapatid at nang mga kaibigan nito.

Hindi na siya nanibago.

"Allie?"

Napatingin siya sa tumawag sa kaniya.

"Abby."

Sinalubong siya nito.

"Good morning." nakangiting bati niya rito.

"Morning din."

Sabay na silang naglakad patungo sa classroom nila habang pinag uusapan ang mga subjects nila. Nang nasa tapat na sila ng classroom, may humawak sa braso niya at napatingin siya rito.

"Rainier?"

Ngumiti ito, revealing a perfect set of teeth.

"Good morning Allie." bati nito.

"Good morning din." ganting bati niya.

Bahagya siyang lumayo rito nang makitang papalapit si Maricar at mga kaibigan nito.

"Are you free this sunday? May____."

"She's not free Rainier." sabad ni Maricar nang kumapit sa braso ng lalaki at nakataas ang kilay sa kaniya.

"Oh hi Maricar." bati rito ng lalaki.

Tumingin rito ang kapatid.

"I'm free this sunday. Saan ang gimik?" anito.

"Sa bahay namin." sagot ni Rainier.

"Okay,pupunta ako."

Hinila nito ang lalaki palayo sa kanila.

Sumunod si Rainier pero kay Allie nakalingon.

"I hope makapunta ka Allie." pahabol nito.

Kumaway lamang siya bilang sagot.

"Kahit kailan, kahit saan, kontrabida talaga yang babaeng yan." gigil na wika ni Abby sa tabi niya.

"Hayaan mo na. Hindi ko nga pinapatulan eh." sagot niya.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now