𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟏

2K 66 11
                                    

"Alessandra....."

Naririnig na naman niya ang boses.

"Alessandra....."

"Sino ka?" tanong niya sa kawalan.

"Naghihintay ako sa yong pagbabalik."

Napakunot noo siya.

"Maghihintay ako."

Unti unting naglalaho ang boses nito.

"Sino ka? Magpakilala ka."

Napabalikwas siya ng bangon nang biglang tumunog ang alarm clock niya.

Six o'clock na nang umaga.

Bumaba siya sa kama at binuksan ang kurtina at bintana.

Nilanghap niya ang sariwang hanging bumati sa kaniya sa umaga.

Saka siya bumalik sa kama at inayos ang higaan.

Pagkatapos maseguradong spotless ang bed niya, inihanda niya ang susuotin bago pumasok sa banyo at magshower.

Sariwa pa sa isipan ang panaginip.

Parang umi-echo pa sa tenga niya ang boses ng babaeng tumatawag sa pangalan niya.

Ilang buwan na ang nakaraan simula nang nanaginip siya sa babae.

Boses ng isang babaeng nangungulila at humihingi ng tulong.

Ngunit wala siyang ideya kung sino ito at bakit palagi itong nasa panaginip niya.

Ilang linggo nalang, mag i-eighteen years old na siya.

Siya at ang kakambal niya.

Pagkatapos maligo, magbihis, magpatuyo ng buhok, bitbit ang bag, bumaba na siya sa dining room.

Nagbabasa ng dyaryo ang ama habang abala sa pagtitimpla ng kape ang ina.

"Good morning Dad,Mom." bati niya pagkapasok sa dining room.

Ibinaba ng ama ang hawak na dyaryo at lumingon sa kaniya.

"Good morning anak. Did you sleep well?"

Humalik siya sa pisngi ng ama.

"Not really." sagot niya.

Lumapit siya sa ina at humalik rin sa pisngi nito.

"Nightmares again?" tanong ng ina.

"Hindi naman nightmares Mom. Same dream,same voice that keep calling my name."

Nagkatinginan ang mag asawa.

Naupo siya sa tabi ng ina matapos isabit sa upuan ang bag.

"Gusto mo bang magpacheck up? Baka naman stress ka masyado sa school." concern na saad ng ina.

Dinampot niya ang isang slice ng bread at agad kumagat.

"No need Mom. Simpleng panaginip lang marahil yun."

Biglang pumasok si Maricar, ang kanyang kapatid, or kakambal.

Mas matanda lang siya rito ng ilang minuto.

They are twins, but they don't look exactly the same.

She often wondered if one of them is adopted.

Kung sinuman ang ampon sa kanilang dalawa, malamang siya yun.

Maricar have black colorerd hair, same as their Mom. Maricar have morena skin, same as their Dad. Ang ilong nito, from their Mom. Ang bibig nito at mga mata, from their Dad.

Maricar is the half/half version of their parents.

And she don't look like neither of them.

She have dark brown hair when she was young. Na unti unting naging light color paglipas ng mga taon.

Its more of a blonde color now.

One of the few things they can't explain.

Her eyes, same color as her hair.

Her skin, milky white.

Her beauty is beyond compare.

Yan ang sinasabi nila.

Kaya niya laging naiisip na baka ampon siya.

She asked her Mom one time. Ang sagot lang nito ay anak siya nito at ama niya si Mr. Arnold Ocampo.

"Can you say Good morning to us first Maricar?" tanong ng ina rito na walang pakialam basta sumubo agad ng sausage.

"Ggooddd mooorning Mom, Dad." anitong puno ng sausage ang bibig.

"Maricar, behave please. Lets talk about your grades." anang ama.

"Hmmm." anang anak na sa kaniya tumingin ng matalim.

And yes, isa sa pinagkaiba nila.

Maricar is a troubled school kid.

And she is the smartest one in school.

That's maybe the one reason why her sister hated her eversince she can remember.

Uminom siya ng gatas at tumayo na.

"I have to go first Mom." aniya.

"Ohh the perfect daughter. Bakit ayaw mong mag stay muna at pakinggan kung paano ako papagalitan ni Dad dahil hindi ako kasing talino mo."

Hindi niya pinansin ang maanghang na mga salita ng kapatid.

Bitbit ang bag, nagpaalam siya sa mga magulang.

"Nasa labas na si Mang Leo." pahabol ng ama bago tuluyang iwan ang mga ito.

Naabutan niya sa tabi ng swimming pool si Yaya Margie , ang asawa ng family driver nila.

"Good morning Yaya Marg."

Ngumiti ito nang makita siya.

"Good morning Allie. Ingat sa school."

Kumaway siya rito.

Nasa labas nga ng gate naghihintay si Mang Leo.

"Good morning Tatay Leo." masiglang bati niya rito.

"Good morning Allie. Kapatid mo?"

"Sinasabon pa ni Dad." sagot niya bago sumakay sa front seat.

Sumakay rin sa drivers seat ang lalaki.

Matagal nang parte ng pamilya ang mag asawa. Kaya tatay ang tawag niya sa lalaki dahil parang ama narin ang tingin niya rito.

Hindi nga lang magkakaanak ang Yaya niya.

"Na naman? Pasaway talaga yang kapatid mo. Aantayin ba natin?"

Tumango siya.

"Opo ,bago pa niya ako mapagbuntungan nang kaniyang galit."

Aniyang napatingin sa labas.

"Allesandra....."

"Po?"

Napakunot noo ang lalaki.

"Bakit Allie?"

Napakunot noo rin si Allesandra.

"Hindi niyo po ako tinawag sa pangalan ko?"

Umiling ito.

"Pero___."

Kinabahan siya.

Hindi yun panaginip.

May tumawag nga sa pangalan niya at hindi siya maaaring magkamali.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon