𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟕𝟑

184 9 0
                                    

THEY are back outside the Ocampo's residence.

Patakbong pumasok sa loob ng bahay si Maricar.

"Mom! Dad!"

Nagsisigaw siya habang kasunod si Alessandra. Binago rin ni Alessandra ang kasuotan dahil tiyak magtataka ang mga magulang kung bakit kakaiba ang kaniyang suot.

"Mom! Dad!" ulit ni Maricar.

Nagmamadali namang bumaba ng hagdan sina Mr. and Mrs. Ocampo.

"Oh my God, ano bang pinagsisigaw mo?"

Patakbong yumakap si Maricar sa ina.

"Whats wrong? May nangyari ba?" tanong ng ama.

"Hindi niyo ba kami namiss?" tanong naman ni Maricar.

"Syempre namiss. Pero bakit kayo umuwi? Wala ba kayong pasok? Nasaan si Manong Leo?"

Nagkatinginan sina Maricar at Alessandra.

"Anong date ngayon?" tanong ni Allie.

"November 14."

Paano nangyari yun? That was the date kung kelan sila napadpad sa ibang mundo.

Bakit sila bumalik sa araw nang kanilang pagkawala?

Tumunog ang mobile phone ng kanilang ama.

"Tumatawag si Leo." anito bago sagutin ang tawag.

"Oh Leo, oo. Biglang nawala? Pero andito sila sa bahay. Silang dalawa. Mga kasama?"

"Nasa labas sila Rainier." sagot ni Maricar sa amang nagtatanong kung nasaan ang mga kasama nila.

Sinabi ng ama kay Mang Leo na magkakasama silang lahat sa bahay.

Nakahinga naman ng maluwag si Alessandra dahil hindi na nila kailangan pang magpaliwanag sa mga magulang kung saan sila napunta sa loob ng dalawang araw nilang pagkawala.

Maging sina Ranier ay hindi na rin kailangang magpaliwanag sa mga magulang nila.

Lumapit si Allie sa ina at yumakap rin rito.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa? Bigla kayong naging clingy?" natatawang tanong ng ina.

"I miss you Mom." ani Allie rito.

"Oh i miss you too anak."

Ngunit hindi dapat magtagal si Alessandra sa mundong ito. Kailangan niyang bumalik sa Eqiros.

Pagkatapos yumakap sa ina, yumakap rin siya sa ama.

"Alam niyo naman ang totoo kong pagkatao diba?" aniya sa mga magulang.

"Allie, anak. Do you really need to go with that vampire girl Maia?" tanong ng ina.

Sa pagkarinig sa pangalan ni Maia, nanumbalik ang sakit na naramdaman ni Alessandra sa pagkawala nito.

Hindi niya ipinakita sa mga magulang ang sakit na nararamdaman, pero alam ni Maricar ang totoo.

"I have to. Sana maintindihan niyo ako." aniya.

"Pero makakabalik ka pa rin hindi ba?" tanong ng ama.

Tumango si Allie.

"I will come back from time to time." sagot niya.

Niyakap siya ng mga ito.

"Mag iingat ka anak.'' anang ina.

Hindi na siya nagpahatid sa mga ito sa labas. Si Maricar lang ang sumunod sa kaniya.

Umiyak ito nang yakapin siya.

"I'm sorry about Maia." anito.

Saka lamang tumulo ang mga luha ni Allie.

Everything will not be the same without Maia.

Nang humarap siya kina Rainier , Tam at Kim niyakap siya ng mga ito.

"I'm sorry Allie." ani Tam. "Nagtiwala ako kay Lloyd."

Tinapik tapik ni Allie ang likod nito.

"It's not your fault Tam. Please forget about him."

Ipinakita ni Kim sa kaniya ang suot nitong kwentas.

"I'm with Merideth. I will take care of her." anito.

Ngumiti si Allie.

"I will come back again. Sa pagbalik ko, i will do everything in my power to bring back Merideth. Hindi ko man nagawa kay Maia, but maybe with Merideth magagawa ko."

"I'm sorry about Maia Allie." ani Rainier.

Ngumiti nang malungkot si Allie.

"I know she'll come back. Ilang beses nang napatunayan na she belongs with me."

Tumingin siya kay Rainier at sa kapatid.

"Take care of each other." aniya sa dalawa. "Rainier, take care of my sister. And sis, take care of Mom and Dad."

"I will sis." sagot ni Maricar.

"And i promise iingatan ko si Maricar." sagot rin ni Rainier.

For the last time, nagyakap silang lahat.

Nagpapasalamat parin si Allie na ligtas ang mga itong nakauwi rito.

Mamimiss niya ang mga ito. Malaki ang magiging kabawasan ng mga ito sa buhay niya kapag nagkalayo sila.

But her reality is not in this world.

She belongs to Eqiros.

Without her, Eqiros will be in danger again. Kailangan na niyang iwan ang mundong ito.

By the wave of her hand, she opened a portal again.

"Bye guys." paalam niya sa apat.

Kumaway ang mga ito sa kaniya bago siya humakbang sa portal pabalik sa mundong kaniyang tunay na tahanan.



𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon