𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓𝟓

196 8 0
                                    

"Hawakan niyo siya." utos ni Alessandra kina Maia at Zen.

Nabasa agad ni Maia ang nasa isip niya kaya sumunod agad ito.

Hinawakan nito sa balikat ang lalaking hindi parin makagalaw. Hinawakan rin ni Zen sa kabilang balikat ang lalaki.

"Protect them." habilin ni Allie kay Rhollieh bago siya humawak sa braso ni Maia. Inisip niya lang na dalhin siya ng mga paa sa throne room ng may pakana ng lahat ng ito.

Rinig na rinig nila ang malakas na pagkagulat ng mga naroon sa bigla nilang pagsulpot sa harapan ng babae at lalaking nakaupo sa trono ng mga ito. May mga suot pang korona ang mga ito.

"Guard!" sigaw ng hari.

Sa isang pitik lang ng daliri ni Allie, walang sinuman ang makakalapit sa kanila.

Nakikita sila at naririnig ngunit hindi makagalaw. Maliban sa hari at reyna.

Lumapit si Allie sa lalaking nanlaki ang mga mata.
Ibinaba niya ang bandanang nakatakip sa buhok niya. Saka tumambad ang mala gintong kulay niyang mga buhok.

Napaatras ang lalaki nang makita siya sa kabuuan niyang anyo.

Lalo na nang mapatitig sa mga mata niyang kulay ginto.

"Princess Alessandra!" bulalas ng lalaki.

"So you know who i am."

"We've been waiting for you to come back."

"Then why the hell did you kill those faeries?" sigaw ng dalaga. "Why did you kill my friend?" naisip niya si Merideth na nagbuhis ng buhay para kay Kim.

Napaluhod ang hari, nagtaas ng mga kamay, nagmamakaawa.

"Forgive me Princess. Hindi ko alam na ikaw pala ang kumuha kay Princess Merideth."

"Ganun ba kayo ka walang puso? Inubos niyo na ang lahi ng mga serina. Sinunod niyo na naman ang mga faeries. Anong klaseng nilalang kayo?!"

"You hurt my brother!" biglang sigaw ng babae. Agad itong pinigilan ng hari.

"Because he murdered them all. He tortured the Princess, abused her after killing her families. What the hell did you want me to do after knowing his crimes? You want me to shut up and forgive him?"

Natameme ang babae.

Nilingon ni Allie ang lalaking inutusan ng mga ito.

Lumapit siya rito.

Ipinatong niya ang palad sa noo nito.

"Murderer! You deserve to suffer. Hindi kita papatayin, pero ipaparamdam ko sayo bawat sakit na ipinaramdam mo sa kaibigan ko. You will feel the knife cutting through your skin endlessly. You will wish for your death but you won't die. This is my punishment for your crimes."

Pagkatapos ng mga sinabi, binitawan ito nina Maia at Zen.

Napalugmok  sa sahig ang lalaki, kasunod ng paghiyaw nito sa sobrang sakit. Namimilipit ito sa sahig. Mayamaya ay natigil ito sa kakasigaw. Ngunit ilang segundo lang ay nagsisigaw na naman ito sa sobrang sakit.

Lumapit si Allie sa hari.

"Stay away from my friends. I will come back to give you your punishment for what you've done."

Tumalikod siya, humakbang pabalik kila Maia at hinawakan ang dalawa bago nawala sa harapan ng mga naroon.

Saka lamang nakagalaw ang mga tauhan at bisita ng hari at reyna.

Nagsisigaw parin ang lalaki.

Mula sa likod ng makapal na kurtina, lumabas ang isang lalaki.

Lumapit ito sa hari para tulungan siyang makatayo.

"Nakita mo siya?" tanong ng hari sa lalaki.

Ngumisi ito.

"Quite the brave girl." sagot ng lalaki.

"She is powerful." anang hari.

"Don't worry, nakahanda na ang lahat para sa kaniya." makahulugang sabi nito bago ngumiti na punong puno ng malisya.

Nilapitan niya ang lalaking nagsisigaw sa sahig.

"This guy is the most powerful assassin and yet look at him now, so pathetic. Worthless!"

Naglabas ito ng kutsilyo mula sa tagiliran at hiniwa sa leeg ang lalaki para matigil na ito kakasigaw.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now