𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟎

437 29 1
                                    

HUMALIK at yumakap si Allie sa dalawang kasambahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HUMALIK at yumakap si Allie sa dalawang kasambahay.

"Para namang nagpapaalam ka na sa amin." wika ni Yaya Margie.

Ngumiti ang dalaga.

"Hindi naman po. Gusto ko lang pong maglambing." aniya.

"Allie, tayo na?" tawag sa kaniya ni Tatay Leo nang pumasok sa sala.

Sa halip na sumagot, lumapit rito ang dalaga at niyakap rin ito.

Gulat na gulat naman ang lalaki.

"Hindi na po kailangang ihatid niyo ako sa school." aniya rito.

"Sinong maghahatid sayo?"

"Ako na pong mag-isa ang pupunta. Sige po tay, pupuntahan ko lang sila Mommy at Daddy. Si Maricar nalang po ang ihahatid niyo."

Pagkasabi ay agad na siyang umakyat para hindi makita ng mga ito ang mga luha niya.

Nang mapakalma niya ang sarili, kumatok siya sa kwarto ng mga magulang.

"Mom,Dad."

"Come in anak." anang ina.

Pumasok ang dalaga.

Parang pinipiga ang puso niya.

Ayaw niyang sabihin sa mga ito ang plano niya.

"Papasok na po ako sa school." aniya.

Nilapitan siya ng ina.

"Are you sure? Baka need mong mag stay na muna sa bahay."

Umiling siya.

"No Mom. Don't worry, nandon si Maia."

Yumakap siya sa ina.

"Allie whats wrong?" takang tanong ng ina.

Pinigilan niya ang luha.

"Thank you for loving me Mom." aniya.

Lumapit rin sa kanila ang ama.

"May problema ba anak?" tanong nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at sa ama naman yumakap.

"Naglalambing lang Dad." aniya.

Napangiti naman ang ina.

"Akala ko na kung ano. Mali-late kana sa school. Come on, go na."

Mabigat ang loob na iniwan niya ang mga ito.

Pumasok siya sa sariling silid at inihanda ang bag na nilagyan niya ng mga gamit.

Maia said hindi na niya kailangang magdala ng mga gamit. Pero nagdala parin siya just in case.

Buo na ang loob niya.

Today, sasama siya kila Maia pabalik sa mundong pinanggalingan.

Ayaw niyang sabihin sa mga magulang na ngayon siya aalis.

Dahil baka hindi niya kakayanin kapag nakita niya ang reaksyon ng mga ito.

Baka magbago ang isip niya kapag nakita niya ang ina nasasaktan sa pag alis niya.

Si Maricar, nag iwan siya ng sulat sa drawer nito.

Saying her goodbye to her sister.

Ano kaya ang naghihintay sa kaniya sa unknown world na pupuntahan?

Si Maia lamang ang puede niyang pagkatiwalaan.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now