𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟓

323 15 0
                                    

NAG-AALALA nang lubos si Kim sa kaibigan

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

NAG-AALALA nang lubos si Kim sa kaibigan.

Gulat na gulat marahil ito sa nasaksihan.

"He will be okay." malumanay na wika ni Merideth sa tabi niya.

Kausap nila Maia at Allie ang lalaking nagligtas sa kaibigan.

Napakalaking tao nito, parang si Aquaman sa movie. May mga tattoo ang buong katawan na ngayon ay nakalantad dahil sa hinubad nito ang suot na damit dahil sa punong puno ng dugo mula sa mga halimaw na pinatay nito.

Hindi nga lang mahaba ang buhok, malinis ang pagkakagupit.

Gumalaw si Tam.

"Tammy?" tawag niya agad rito.

Nagbukas ito ng mata.

"Kim." anito.

"Yes, okay ka lang? Natrauma ka ba?"

Ang mga mata nito ay nakatingin sa lalaking half naked.

"Holy Shit! Yummy naman niya."

Bigla niya itong hinampas.

"Gaga ka talaga! May oras ka pa para maglandi?"

Bumangon ito.

"Tammy, are you okay?" tanong ni Maricar nang lapitan sila. Kasunod nito si Rainier.

Tumango si Tam.

"Okay lang ako. Nahimatay lang ako dahil sa dugong nakita ko."

"Next time, huwag kang humiwalay sa grupo." paalala ni Rainier.

"I know, naiihi kasi ako kaya ako lumabas. Delikado pala talaga sa mundong ito noh? Buti nalang may guwapong nagligtas sa akin."

Napakagat labi pa ito nang muling tingnan ang tagapagligtas.

"Hay naku, pinairal mo na naman yang kalandian mo." sita ni Kim rito.

"Bakit ba, bawal ba? Buti ikaw may Merideth na, hindi ka lonely. Ako may Lloyd na."

"Sinong Lloyd?" kuros pa ng tatlo(Maricar,Rainier at Kim).

Ininguso nito si Lloyd.

"Alam mo na agad ang pangalan niya?" taas kilay na tanong ni Maricar.

"Oo naman, sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Ang macho nang name niya diba? Kasing yummy ng katawan niya. Ayyieehh."

Napailing na lamang sila.




*✿❀❀✿*

Nakita ni Allie na may malay na si Tammy.

"He's awake now." aniya sa dalawang kausap.

Lumapit sila kay Tam.

"Tam, okay ka na ba? Do you need anything para makalimot ka sa nangyari?" tanong ng dalaga rito.

Tumayo si Tammy.

Ngunit kay Lloyd ito halos nakatingin.

"Okay lang ako Allie,don't worry. "

Bumaling ito sa lalaking nagligtas rito.

"Thank you nga pala sa pagligtas sa akin." anitong nahihiya pa ang tono.

Gustong matawa ni Allie,lalo na nang makita ang mga reaskyon ng mga kaibigan nito.

Okay na nga si Tammy.

"Ayun kay Lloyd, naabutan niyang kinakain ng mga halimaw ang may-ari ng gusaling ito." ani Maia sa lahat. "Kaya wala tayong ibang choice kundi ang magpalipas muna ng gabi. Unang magbabantay sina Rollieh at Jhosie. Kasunod ay ako at si Zen. Bukas ng madaling araw, magpapatuloy tayo sa ating byahe."

"Nakiusap rin si Lloyd na sasama siya sa atin. Iisa lang ang destinasyon na pupuntahan natin, so wala namang problema kung sasabay siya sa atin." ani Allie.

"At para sa kaalaman ng lahat, Lloyd is a human." ani Maia na ikinagulat ng mga kasama ni Allie.

"Human?" tanong ni Maricar.

"Sa mundong ito, may mga taong walang powers. Hindi sila isinilang na katulad namin. Tinatawag namin silang Human."

"Then what are you?" tanong ni Tammy kay Lloyd.

"I'm a hunter." sagot ni Lloyd.

"Ahh,kaya pala nabihag mo ang puso ko." ani Tammy sabay tili sa sobrang kilig.

Hindi na napigilan ni Allie ang pagtawa.

Sinita agad ito ni Rainier. Pero mukhang hindi paawat si Tammy sa crush nito kay Lloyd.



𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Où les histoires vivent. Découvrez maintenant