𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟔

320 14 0
                                    

MADALING araw palang umalis na silang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MADALING araw palang umalis na silang lahat. Nang papasikat na ang araw, saka lang napansin ni Allie ang masukal na kagubatang dinadaanan nila.

"Matagal na akong walang naririnig tungkol sa Kaharian ng Maru. Ganito na pala ang sinapit nang dating mapayapang kaharian na ito." ani Maia sa tabi niya.

Lumabas na sila mula sa masukal na gubat at tumambad sa kanila ang malawak na kulay berdeng damuhan.

May mga bundok sa di kalayuan na berdeng berde ang kulay.

"Totoo ba ang mga yun?" tukoy niya sa mga bundok.

"Oo. Kilala ang Maru Kingdom sa kanilang mga nakakahangang mga kabundukan. Kung may chocolate hills sa bohol, merong ding Green Hills sa kahariang ito."

Gusto niyang matawa sa Green Hills, pero totoo ngang napakaganda pagmasdan ng mga berdeng bundok.

Napatingin siya sa di kalayuan.

May mga punong kahoy na sumasayaw sayaw dahil sa lakas ng hangin. Ngunit nang pagmasdan niya ang ibang halaman, hindi naman gumagalaw.

"Stop!" bigla niyang sigaw.

"Whats wrong?" tanong ni Maia nang ihinto ni Rollieh ang sasakyan. Napahinto rin ang kasunod na sasakyan.

Bumaba si Allie nang walang pasabi.

Patakbo siyang lumapit sa mga nakalinyang punong kahoy.

There was something wrong with the trees.

"Allie, what is it?" tanong ni Maia na hinabol siya.

Maging ang mga kasama ay sumunod rin sa kanila.

Pinagmasdan niya ang mga puno. Normal lang naman silang tingnan. Pero hindi niya maialis ang nararamdaman. Tila may kung anong humihila sa kaniya palapit sa mga ito.

Katulad rin sa mga kaluluwa ng mga sanggol na iniligtas niya.

"There is something wrong with this trees." aniya.

Si Zen, sinuri niya rin kung ano ang mali sa mga puno.

"They look normal." anito mayamaya.

Hinawakan ni Allie ang isang malaking puno.

Biglang may mukha ng tao ang lumabas.

Hinila siyang bigla ni Maia.

"What was that?" gulat na tanong ni Jhosie.

"Allie, be careful. Baka mapahamak ka."

Pero wala siyang maramdamang panganib.

Nararamdaman niya lang ay ang paghingi ng saklolo nang kung sinuman ang nasa loob ng mga punong ito.

Hinawakan niyang muli ang puno at hindi siya nakinig kay Maia.

Lumabas muli ang mukha mula sa punong kahoy.

"Who are you?" tanong niya rito.

Tiningnan siya ng mukhang iyon. Hindi ito sumagot na tila kinilala pa siya.

"Ako si Alessandra." pakilala niya sa sarili.

"She is Princess Amirah's daughter." dugtong ni Maia.

"Hello Princess Alessandra. Maligayang pagbabalik. Ako si King Marc nang Maru Kingdom. Ikinulong ako rito kasama nang buo kong pamilya. Hindi ko na mabilang kung ilang taon na kaming naririto." anang lalaki.

"Bakit kayo nakakulong rito?" tanong ni Allie.

Sinubukan niyang isipin kung paano ito mapaalis mula sa loob ng punong kahoy na iyon.

Paunti unti,mula sa mukha lang,lumabas ang kamay nito kasunod ang mga paa. Hanggang sa tuluyang nakalabas ang buo nitong katawan.

Inalalayan ito ng mga kasama niya.

Pinaupo sa damuhan.

Yumuko si Allie para makipag usap rito.

"Walang napadpad na mga dayuhan ang nakapansin sa aming paghingi ng tulong. Kayo palang, ikaw palang Princess Alessandra. Maraming maraming salamat." anang may edad nang lalaki.

Lumingon si Allie sa iba pang mga puno.

"Rollieh, Zen at Lloyd, tulungan niyo ako." tawag niya sa dalawang kasama.

Pero sumunod rin sina Maricar at Rainier. Nakaalalay naman si Merideth at Kim sa haring halos hindi pa makatayo.

"How did you know?" tanong ni Maia nang sabayan siya.

"I can feel them Maia. I can feel almost everything and everyone. And i can't ignore them."

Inisa isa nilang ang apat na natirang puno.

Ang reyna at tatlong mga anak ng hari ang iniligtas nila.

Nag iyakan ang lima nang sa wakas ay nakalaya na rin sila mula sa pagkakakulong sa loob ng mga punong kahoy.

"They must be so powerful if they can do this to you." ani Merideth nang nakatingin sila sa pamilya.

Lumapit ang hari sa kanila. Nakarecover na ito ng konti.

"Princess Alessandra, maraming maraming salamat." anito sa dalaga.

"May palasyo ba kayong babalikan?" tanong niya rito.

"Hindi ko alam. Ang naalala namin, kumakain lang kami sa palasyo. Pagkagising namin, nakakulong na kami sa loob ng mga puno. Walang nakakarinig sa amin, walang nakakatulong sa amin."

Hinawakan ni Allie ang kamay ng hari.

Pero wala siyang makitang clue kung sino ang may gawa nito sa kanila.

May alam kaya si Tania?

"We need to take them with us." aniya kay Maia.

"Kailangan nating pagkasyahin sila sa loob ng sasakyan. Ako,si Rollieh at Zen will be using our legs to run after you guys. Si Jhosie ang magmamaneho. Si Lloyd naman sa isang sasakyan."

Tumango ang dalaga. They need to find Tania as soon as possible.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon