𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟗

260 17 1
                                    

LUMABAS ng kwarto si Allie habang natutulog pa si Maia.

Ayaw niyang maistorbo ang pagtulog nito kaya dahan dahan siyang lumabas ng kwarto.

Bumaba siya sa lobby ng hotel. Walang katao tao sa lobby dahil sa madaling araw pa lamang.

Four o'clock in the morning ang nakita niyang numero sa orasan sa reception area.

Maging ang receptionist ay mahimbing na natutulog sa upuan nito.

Lumabas siya ng hotel.

Lumanghap siya ng sariwang hangin. Madaling araw na pero hindi niya nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin.

Wala ring katao tao sa labas. Maliban sa mga ilaw na nakasabit sa mga puno sa tabi ng kalsada, wala siyang nakikitang naglalakad man lang sa labas.

Napakatahimik.

Nakakapanibago.

Sa Maynila, wala siyang makikitang lugar na ganito ka tahimik.

Tulog ba lahat ng tao sa kahariang ito?

Na enganyo siyang maglakad lakad sa napakatahimik na kalsada. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataong mapag isa.

Her mind was troubled. Her heart was in pain. Her guilt was eating her inside.

Nakikita niya ang pag aalala ng mga kasama, ng kapatid, ni Maia. Pero hindi niya kayang ikubli ang nararamdaman niyang guilt sa nangyari.

Hindi na niya namamalayan ang mga sandaling nagdaan. Hindi siya huminto sa paglalakad.

Nakarating na siya sa dalampasigan.

Nang makaramdam ng pagod, naupo siya sa damuhan habang nakamasid sa dagat.

Nakatingin lang siya sa kawalan habang yakap ang mga tuhod.

She felt calm and relaxed.

A feeling she haven't felt for a while now.











NAGISING si Maia na wala sa tabi si Allie.

"Allie?"

Hinanap niya ito sa banyo pero wala ang dalaga.

"Allie?" tawag niya rito sa isipan pero walang sumasagot.

Dali dali siyang nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. Kinatok niya ang kwarto nina Rollieh at Jhosie.

"I can't find the Princess." aniya agad pagbukas ng lalaki.

Sunod niyang kinatok sina Maricar, Kim, Zen  at Merideth.

"Allie is not in our room. We need to leave now."

Kasunod na niya sina Rhollieh at Jhosie nang katukin si Rainier.

"Asan si Tam?" tanong niya rito.

"He was with Lloyd last night."

Siya namang pagbukas ng pintuan ng kabilang room. Naunang lumabas si Tammy kasunod si Lloyd.

"Someone made fun of us last night." bungad agad ni Lloyd.

"Mukha namang nag enjoy kayong dalawa." kantyaw ni Kim.

Tatawa sana ang mga kasama ngunit natigil nang makita ang seryosong mukha ni Maia.

"Allie is missing. I can't connect with her. We need to find her as soon as possible."

Pumunta sila sa reception area. Nagtanong kung may nakakita kay Allie.

Nauna nang naghanap sa labas sina Rollieh at Jhosie in their werewolf form.

Kasunod si Zen.

"May nangyari ba sa kapatid ko?" nag aalalang tanong ni Maricar nang wala paring makapagsabi kung nasaan ang kapatid.

"Hindi ko pa alam." sagot ni Maia.

Nagsimula na siyang makaramdam ng takot. Sana walang nangyaring masama kay Allie. Dahil hinding hindi niya mapapatawad ang sarili kung mangyari ang kinatatakutan.

Bumalik si Zen na walang magandang balita.

Lumapit na sila sa manager ng hotel. Pinaliwanag ang nangyari without giving the full details about Allie's true  identity.

"We checked the CCTV footage from last night. Lumabas siya ng hotel around four a.m. Pero hindi pa siya bumabalik. Baka may pinuntahan ang kasama niyo." anang lalaki.

"I will go and check again." ani Zen bago umalis.

Lumabas silang lahat ng hotel at sumakay sa sasakyan. Sinabi nang manager na baka nasa tabing dagat napadpad si Allie.

Sana nga ay nandon lang si Allie at ligtas ito.

Hindi din mapakali si Maricar.

Alam nilang lahat na hindi kumikibo si Allie nitong mga nagdaang araw pagkatapos nang nangyari sa mga witch.

"Sana okay lang ang kapatid ko." aniya habang panay ang silip sa labas baka sakaling makita si Allie.

"We will find her."sagot ni Maia na halatang mas nag-aalala.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now