𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔𝟐

172 11 0
                                    

Nakatayo sa balcony si Maricar nang bumukas ang pintuan.

"Can't sleep?" tanong ni Rainier nang tabihan siya.

Mula sa kinatatayuan, kitang kita ang kumikinang na syudad.

"Yes. Ikaw rin?" tanong niya rito.

"Oo. I miss home."

Sabay pa silang napabuntung hininga.

"Do you think Allie will come home with us?" tanong ni Maricar.

"Do you want me to be honest with you?"

Tumango ang dalaga.

"I don't think so. Nakikita ko gaano siya kasaya habang nakakatulong sa iba. She wasn't scared at all. The way she handle things, na hindi ko maimagine kung kakayanin ko, nagawa niya. I think she belongs here Maricar."

Napatingin sa malayo ang dalaga. Kahit siya, nakita niya ang malaking pagbabago ng kapatid. She really is a princess and it suits her very well. A very strong and powerful princess.

Pero mamimiss niya rin ito. Hindi man sila lumaki na malapit sa isa't isa, pero simula nang maaksidente ito at napadpad sila sa mundong ito, mas minahal niya ang kapatid. Pinagsisihan niya ang mga nasayang na taon na ginugol niya sa pambubully rito. Dahil hindi na niya ito makakasama sa pag uwi.

Their parents would be heartbroken kapag hindi niya kasama si Allie. Alam niya gaano kamahal ng mga ito ang kapatid. She can't imagine how their mother would react.

Napatingin siya sa kamay na dahan dahang umakbay sa kaniya. Saka napatingin sa katabi.

"Everything will be alright." anitong malungkot na ngumiti. Nasa mukha rin ni Rainier ang pag aalala.

"Will you still talk to me like this pag nakabalik na tayo?" hindi niya maiwasang itanong.

"Syempre naman. I would love to get to know you more Maricar. Not because gusto ko lang bumawi sa mga kabutihang pinakita mo at pag alaga mo sa akin. I just want to get to know you more and get close to you."

Napangiti na si Maricar. Masaya sa mga narinig mula sa binata.

"Me too Rainier, me too."

Humilig siya rito habang pareho nilang pinagmasdan ang syudad sa di kalayuan.

Bakit wala ni isang bituin sa langit? Ni buwan wala ring nakasilip. Walang nakakaalam sa kanila kung bakit.


*✿❀❀✿*

"Lloyd?!" gulat na bulalas ni Tam nang makita ang lalaking pumasok sa loob ng kwarto nila.

"Tam, pasensya na. Nag alala ka ba sa akin?"

Niyakap agad ni Tam ang lalaki.

"Saan ka galing? Akala ko ano nang nangyari sayo."

"Sorry. Nahanap ko na ang pamilya ko kaya bigla akong nawala. Pinapasok parin ako ni Sir Sandrei dahil kilala niya ako. Kumusta ka, kumusta kayo?"

Kumawala si Tam mula sa pagkakayakap rito.

"Nasa labas yata si Rainier. Nasa kabilang room ang mag asawang Rollieh at Jhosie. Sa kabilang room naman sina Zen, Kim at Maricar."

"Ang prinsesa?"

"Kasama niyang natulog ang reyna. Kumusta ang pamilya mo, okay lang ba sila?"

Naupo sila sa isang sofa.

"Safe sila. Nagpaalam ako kay Sir Andrei na manonood tayo ng flower  festival sa city bukas ng umaga. Pumayag siya."

Excited na pumalakpak si Tam.

"I want to stay with you all the time Tammy."

Kinilig naman si Tam pero agad nalungkot nang maalala na malapit na silang maghiwalay.

"Uuwi na kami soon." aniya sa malungkot na tono.

Hinawakan ni Lloyd ang kamay niya.

"You can stay."

"Lloyd, imposible yang mangyari. Hindi kami taga rito. May sarili akong pamilya na naghihintay sa akin sa pagbalik ko."

Pareho silang natahimik. Saka bigla siyang niyakap ni Lloyd.

"Then stay close to me until that day. Susulitin natin ang mga sandaling magkasama tayo."

Malungkot na tumango si Tam. Ngayon palang, nadudurog na ang puso niya sa paghihiwalay nila nang lalaking napalapit na sa puso niya sa loob lamang nang napakaiksing panahon.



*✿❀❀✿*


Lumapit si Zen sa babaeng nakatitig sa hawak nitong kwentas. Naupo siya sa harap nito.

"Sa tingin mo makakabalik pa si Meri?" biglang tanong ni Kim.

"Hindi ko alam Kim. Ayaw kong bigyan ka nang false hope."

"Puede ko bang isama sa pag uwi si Meri?"

"She belongs to you Kim, so yes. Puede mo siyang iuwi."

"Do you have someone you love Zen?"

Natigilan si Zen sa tanong na yun ni Kim. Naalala niya ang kahariang iniwan nang siya ay bata pa.

"Yes, there was someone. But he belongs to someone else now." malungkot niyang sagot.

"Vampire rin ba siya tulad mo?"

Tumango siya.

May kumatok sa pintuan.

Sabay silang napatingin kay Rollieh.

"Zen, we need to talk." anito.

Tumayo si Zen at nagpaalam kay Kim. Sumunod siya kay Rollieh sa kwartong tinutuluyan nito at ni Jhosie.

Hawak ni Jhosie ang gadget sa kamay.

"Bakit, may problema ba?" tanong niya.

"Why can't we use the magic here?" tanong ni Jhosie.

Napakunot noo si Zen.

"Anong ibig mong sabihin?"

"No magic to use for charging our phones Zen. This palace got everything except for magic. We can't use our phone without magic."

"Lourz have power thanks to Princess Alessandra's magic. But this is Abel Kingdom, why they don't have magic here?" si Rollieh.

"Thats impossible. Nakita naman nating lahat gaano kagara at kagarbo ang lahat rito. Only magic can do that. The whole kingdom can't survive without magic. Or baka hindi nila hinahayaang gumamit ang iba ng magic nila?"

Nagkatinginan ang mag asawa sa sinabi ni Zen.

"This Kingdom is weird." huling sambit ni Jhosie bago siya bumalik sa kwarto nila ni Kim.

Napapaisip rin si Zen.

Ang weird nga na hindi sila makakagamit ng magic rito. And why Allie is taking her time to ask the queen about their purpose for coming here?

Nakalimutan na ba niyang marami pa silang dapat gawin? Isa na don ang ibalik ang kapatid niya at mga kaibigan sa mundong pinagmulan?

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now