𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒𝟒

319 15 0
                                    

BUMABA sa sasakyan ang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BUMABA sa sasakyan ang lahat.

"Magpapalipas muna tayo ng gabi." ani Zen nang pagmasdan ang isang malaking bahay sa tabi ng daan. Bukas ang ilaw,bukas rin ang malaking pintuan.

"Safe ba tayo rito?" tanong ni Allie.

"Check ko muna ang paligid." ani Rollieh nang biglang magbagong anyo from human to werewolf. Sinundan ito ni Jhosie.

Pumasok sila sa loob.

"Parang walang tao." puna ni Tam nang wala silang makitang nagbabantay.

"Lodging house ba to?" tanong naman ni Kim na nakaalalay lagi kay Merideth.

"Walang sign board sa labas." sagot ni Maia. "But i think this is a lodging house."

"Naiihi ako." ani Tam. Bago pa makasagot ang mga kasama,lumabas itong muli at naghanap ng pwesto para makakubli.

"Buti nalang hindi pa ako babae,puede pang umihing nakatayo." aniya sa sarili.

Naglakad lakad siya konti para hindi makita ng mga kasama.

Nahihiya siya ng konti lang naman.

Magbubukas na sana siya ng zipper ng pantalon nang biglang makarinig ng malakas na iyak ng isang hayop.

Bigla siyang hindi makagalaw.

Naririnig niya ang iyak ng hayop pero hindi niya maigalaw ang buong katawan.

Ang nakikita niya sa harapan ay mga puno ng kahoy na tila unti unting lumalapit sa kaniya.

Gusto niyang sumigaw, pero walang boses na lumalabas sa bibig niya.

Tumulo ang luha niya sa takot nang paunti unti niyang naaaninag ang isang higanteng aso na pulang pula ang mga mata at tumutulo ang mga laway nito mula sa bibig nito.

Nang nasa harap na niya ito, saka niya napagtantong kasing laki niya ang aso.

Nang buksan nito ang bibig, natamaan ng ilaw mula sa bintana ng gusali ang mga pangil nito.

Nagdasal na siya ng taimtim na sana ay may magliligtas sa kaniya.

Ayaw niya pang mamatay.

Hindi pa siya handang mamatay lalo na sa mundong ito.

Isa pang malakas na iyak mula sa halimaw na aso, at handa na itong kainin siya ng buo.

Akala niya katapusan na niya.

Nagulat na lamang siya nang biglang humiwalay ang ulo nito mula sa katawan.

Babagsak sana siya sa lupa nang biglang may mga matitigas na bisig ang sumalo sa kaniya.

"Got you!" anang boses lalaki na sure siyang ang macho.

Mula sa nanlalabong paningin dahil sa walang tigil na pag-iyak sanhi ng takot, naaninag niya ang mukha nito.

"Let's go inside."

Nakatingin lamang siya rito habang binuhat siya nito.

Sa sandaling iyon, nakalimutan niyang kagagaling niya lang pala sa isang nakakamatay na sitwasyon. And suddenly, he was being carried inside by the strong stranger.....no, his knight pala in shining armour. No,not in shining armour but in his bloody clothes.

"Tammy!"

Narinig niyang sigaw ni Rainier.

Nang tingnan niya ang mga kamay, napatili siya nang makitang punong puno ito ng dugo.

Yun ang huli niyang naalala bago siya nawalan ng malay.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon