𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟗

337 16 0
                                    

"We need to leave now!" sigaw ni Jhosie nang makita mula sa labas ang mga tauhan ng Prime Minister

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"We need to leave now!" sigaw ni Jhosie nang makita mula sa labas ang mga tauhan ng Prime Minister.

"Hawakan niyo ako." utos ni Allie na ipinagtaka nila.

Si Maia naman ay naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Jho,Rollieh, hawakan niyo si Princess Alessandra." utos ni Maia sa dalawa.

Si Zen naman ang bumuhat kay Princess Merideth.

Inisip lang ni Allie ang lugar kung saan sila kanina bumaba ng sasakyan sa labas ng gate.

Tamang tama namang bumukas ang pinto nang silang lahat ay naglaho.

Ang tanging naabutan nila ay ang walang malay na lalaki na naiwang nakahandusay sa sahig.

"Woahhhh!" bulalas ni Jhosie nang sa isang iglap, nasa labas na sila ng gate.

"How could you do that?" maang na tanong ni Rollieh.

"Rollieh, ang sasakyan!" nagmamadaling paalala ni Maia.

"Oh yeah." patakbo itong lumapit sa nakaparada nilang sasakyan.

Sumakay sina Zen at Merideth sa likuran. Sumunod sila ni Maia.

Nang nasa loob na sila ng sasakyan, hindi na hinintay ni Allie na paandarin pa ito ni Rollieh.

Sa isang iglap lang, nasa basement na sila ng palasyo.

"Holy Goddess Iona!" bulalas uli ni Rollieh.

"We need to hurry. Kailangang matingnan agad si Merideth." ani Maia nang naunang bumaba.

Sinalubong sila ng mga guard.

"Princess Alessandra, you can teleport." ani Jhosie nang makababa na silang lahat.

Tumango siya.

"Only if i know the place." sagot niya.

Dinala nila si Merideth  sa hospital sa basement ng palasyo.

"Alessandra." salubong ng lola nang makita sila.

"Your Majesty." bati ng mga kasama rito.

"Your Majesty." bati rin niya.

"How did you manage to come back so soon?" tanong nito.

Si Jhosie ang nagpaliwanag rito sa lahat.

Si Allie naman ay dumiretso sa kwarto ni Rainier.

"Allie." anang kapatid nang makita siya.

"How is he?" tanong niya nang lapitan ang kaibigan.

"Hindi parin okay. Akala ko ba umalis kayo?"

"Nakabalik na kami. At dala namin ang makakatulong kay Rainier."

Nilingon niya sina Kim at Tam.

"You guys should take a rest." aniya. "I will ask Jhosie to arrange a room for you to stay."

Nilingon niya ang kapatid.

"Sis, you too."

"Hindi ko puedeng iwan si Rainier."

"Ako na muna ang bahala sa kaniya."

Lumabas siya para kausapin si Jhosie.

Sinabi niya rito ang pakay.

"Masusunod Your Higness."

"Please take good care of my sister and my friends." pahabol niya nang sumama ang tatlo rito.

"Don't worry Your Highness."

Nakita ni Allie si Zen.

"Nakausap na ng reyna si Merideth." anito.

Walang sinayang na sandali si Allie.

Sumunod agad siya rito para makausap rin si Merideth.

Nakaupo ito sa higaan at nagyuko ng bilang pagbati nang makita siya.

"Your Highness, thank you for saving me." anito.

Hinawakan niya ang kamay nito without looking into her past memories.

"Can you heal my friend? He was poisoned by dark magic. Only you can save him."

Malungkot na tumingin ang babae sa reyna, bago sa kaniya.

"I'm so sorry Your Highness. Nilason ng Prime Minister ang katawan ko. Dahilan para hindi na ako iiyak. Kaya kahit anong sakit ang nararamdaman ko mula sa mga pag aabuso niya, hindi na ako lumuluha. Nais ko man kayong tulungan, pero wala akong maitutulong sa inyo. Niligtas niyo ako pero wala akong maibabalik na kabayaran. Bagkus, kapahamakan pa ang maidudulot nang pagligtas niyo sa akin."

Hindi makapaniwala si Allie.

Tumingin siya sa reyna.

"Please, tell me may paraan pa." pakiusap niya.

Malungkot na umiling ang reyna.

"Maia?"

Maging ito ay malungkot na nilapitan siya.

"I'm sorry Allie."

Hindi siya makapaniwala.

"We can't cure him if we don't know why the dark magic is lurking around the kingdom." anang reyna.

Naalala niya ang mga itim na usok na sumunod sa kanila kanina.

Na tila sinusundan siya.

Maybe the answer was out there.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now