𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑𝟓

373 20 0
                                    

ALLIE is amazed how fancy Maia's room is.

"Beautiful!" bulalas niya nang makita ang dagat na nakapaligid sa palasyo.

"Beautiful!" bulalas niya nang makita ang dagat na nakapaligid sa palasyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Would you like to shower first?" tanong ni Maia.

"Yes please."

Pumasok si Maia sa banyo para ihanda ang kaniyang mga gagamitin sa paliligo.

Maging ang susuoting damit ni Allie ay inihanda na niya. Hindi naman sila magkalayo ng size.

"Gumagamit rin ba kayo rito ng mobile phones?" tanong ni Allie pagkalabas ni Maia.

"Oo, but only with magic."

May biglang kumatok sa pintuan.

"Wait lang." ani Maia bago lumapit sa pintuan at binuksan.

Nagulat si Allie nang makita ang pumasok na babae at sa biglang pagyakap nito kay Maia.

"You're finally home." anito. Nasa boses nito ang sobrang saya at excitement.

"Jhosie." ani Maia na ibinalik rin ang mahigpit na yakap rito.

Natigilan si Allie.

Dahil tila hindi simpleng magkakilala lamang ang mga ito.

Ayaw niyang pakinggan ang mga iniisip ng mga ito. Natutunan na niyang kontrolin ang sarili pagdating sa kaniyang powers.

"I miss you so much." anang babaeng tinawag nitong Jhosie.

"I miss you too. Thirty years and you still look beautiful."

Napatingin ang babae sa dako niya. Humiwalay ito sa pagkakayakap kay Maia at nagbigay galang sa kaniya.

"Your Highness." anito sabay yuko ng ulo bilang pagbati.

Lumapit si Allie sa dalawa.

Nagtatanong ang kaniyang mga mata nang tingnan si Maia.

Hindi niya alam bakit hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso.

"Hello." ani Allie trying not to sound jealous. Yeah, she can't help it.

Nakayoko parin ang babae.

"It's okay,you can look at me." aniya rito.

Nang mag angat ito ng ulo, mas lalo siyang nakaramdam ng selos nang makita ang mukha nito.

She is beautiful.

"Kaibigan po ako ni Princess Maia."

Pero aksidenteng napakinggan ni Allie ang totoong saloobin nito.

"Ex girlfriend."

Nagulat si Allie at napatingin kay Maia.

Malungkot na ngumiti si Maia, alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

𝐀𝐋𝐄𝐒𝐒𝐀𝐍𝐃𝐑𝐀Where stories live. Discover now